"Lia" Nag dirediretso parin ako sa pag lalakad. Wala ako sa mood ngayon na makipag away sa kaniya. "Liana... Aphrodite Liana"
Lia dirediretso lang... Kunyari bingi ka.
"Lia, sandali lang nga" padarag niya akong hinatak dahilan para mapatigil ako sa paglalakad at humarap sa kaniya.
"Ano nanaman ba? Sisisihin mo nananaman ba ako dahil utu-uto ako, dahil nag paloko ako, dahil ang bobo ko na di man lang ako nakaramdam na niloloko lang pala ako ha?" sinubukan kong kumalma para hindi narin lumala pa... Hindi rin naman siya mag papatalo. "Kung ganon ang sasabihin mo bitawan mo na ako, naunahan na kita"
"Lia hindi" sandali siyang tumigil saka inihilamos ang sariling kamay. "Look, hindi natin alam kung anong pwedeng mangyari kung wala kang kapangyarihan, kung wala rin ako."
"Kaya ko ang sarili ko, hindi ko kailangan ng hari na magliligtas sa akin... At hindi ko rin kailangan ng kapangyarihan, kung mamamatay ako then mamatay"
"Hindi mo kasi naiintindihan"
"Ako ang hindi mo naiintindihan... Hindi mo kailangang sisihin ako kasi una sa lahat ipinangako mo saking ligtas ako kapag ikaw ang kasama ko, at kung naging utu-uto man ako yun ay dahil sayo, sayo lang" pairap akong tumalikod sa kaniya pero katulad ng kanina muli niya akong hinatak.
"Totoo ang ipinangako ko, mali ka lang ng pinagkatiwalaan... Kahit saang laban ipagtanggol kita, kahit saang lugar hahanapin kita, pero sana kilala mo kung sino ako"
Kilala ko ba talaga siya? May hindi pa ba ako alam sa kaniya?
May punto siya... Kailangan ko ring kilalanin siya... Pero tama ba ang narinig ko? Handa niya akong hanapin kung saan at ipagtanggol kahit kanino.
Aish, heto nanaman nag papaloko ka nanaman sa mokong nato. Galit ako pero bakit ganito? Masama ang loob ko pero bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?
Bakit parang gusto kong tumalon sa saya?
Hinawakan niya ang kamay ko saka siya nag simulang maglakad. "Saan mo ako dadalhin?"
"Mag tiwala ka na sakin... Ako na to, ang hari mo"
Siya na nga... Siyang siya na nga to.
Hindi na ako nag pumiglas pa. Sumunod na lang ako sa kaniya at nag tiwala. Hindi ako ipapahamak ng lalaking to. Malabo.
Narating namin ang isang mataas na bundok. Hindi naman gaanong kahirap akyatin pero nakakahingal parin.
Para kaming nasa ulap dahil sa taas nito... Tanaw namin ang mga palasyo sa ibaba, at ang asul na ulap na nakapaligid sa amin.
Umupo kami sa malaking bato nandito saka pinanood ang mga ibon sa ibaba. Hindi ko maiwasang pagmasdan ang lalaking kasama ko.
Masyado siyang matapang, malakas ang loob, walang kinakatakutan. Ni-hindi ko pa siya nakitang umiyak o maging malungkot man lang.
Palaging nakasalubong ang kilay at nakakuyom ang kamao, isama mo pa ang palagiang pag igting ng panga niya.
"Kinakabisado mo na ba ako?"
"Tsk, hindi... Iniisip ko lang kung may kinakatakutan ka ba, kung may kahinaan ang katulad mo"
Katulad ng ginagawa niya ay saglit siyang ngumisi sa akin saka bahagyang ginulo ang buhok.
"Meron" maikling anito saka muling ibinalik ang tingin sa akin. "5 years ago... May isa akong babaeng minahal, she's not my ex nor my girlfriend. Walang tatak pero isa lang ang alam ko, mahal ko siya."
BINABASA MO ANG
Aexearene Academy: School of special abilities (COMPLETED)
FantasiI'm Aphrodite Liana Despues...I thought I already knew myself,I thought my personality was complete but I was wrong... That section helped me identify who I really am... ~ Vehemens ~