Chapter 4

92 6 0
                                    

Wala sa wisyo akong nag lalakad papunta sa kung saang lupalop ng Aexearene Academy.

Paano ba naman akong di mawawala sa wisyo eh ang weird ng sinabi ni Diana kanina.

Idagdag mo pa yung nagawa ko kay Ares at ang naging pakiramdam ko sa Bubble.

Pakiramdam ko tuloy ay hindi ko pa gaanong kakilala ang sarili ko. Pakiramdam ko ay may kulang talaga sa akin.

"Ay sorry sorry" sabi ko saka pinulot ang mga librong nalaglag ng may mabangga ako "Pasensya n-... Khilua?"

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayong nakita ko ulit si Khilua.

Schoolmate ko kasi sya sa dati kong school bago ako pumasok rito.

Ang weird lang dahil wala siyang pasabi na lilipat pala siya. Ang sabi lang kasi at ang usap usapan ay may tinatakasan siyang aksidente.

Dapat ko ba yung itanong sa kaniya?

"Aalis na ako" Walang ganang aniya saka kinuha ang mga libro at inayos ang spectacles na suot niya.

"Huh? Aalis ka kaagad?... Hindi mo ba ako natatandaan? Ako si Lia! Ni-review pa nga kita nung journ." paliwanag ko kasi baka nahipan lang siya ng hangin at pinasok ng lamig ang utak.

"Natatandaan kita Lia pero kailangan ko na talang umalis"

"Ganun? Gusto pa naman kitang maka chikahan" nakasimagot kong sabi... Mag sisimula na sana ako ng pag uusapan ng pahintuin niya ako.

"Hindi tayo pwedeng mag usap"

"Bakit? Sayang naman ang bibig natin kung di tayo mag uusap"

Totoo naman kasi saka wala akong nabasa sa rules ng AA na bawal mag usap.

Ang dami ngang maingay eh, hindi man lang sinasaway.

ಠಿ_

"Bawal makipag usap ang ibang kulay sa inyong mga Vehemens, bawal namin kayong lapitan... Siguradong magagalit ang mga Vehemens"

Bawal? Si Zeus ba ang may pakana nito?

Talaga bang ibinukod na nila kami sa iba?

"Teka lang... Paano mo nalamang Vehemens nga ako?"

Hindi niya ako sinagot sa halip ay may kinuha siyang parang salamin sa bag niya saka iyon iniharap sa akin.

Marahan niyang hinawi ang ilang hibla ng buhok papunta sa tenga ko at nakita ko roon ang parang tato.

Letter V siya na kulay ginto.

"Ang simbolo nyo" Maikling aniya saka inalis ang salamin sa harap ko.

Oo nakita ko na yun. Sa gintong gate na naka palibot sa dorm.

Pero hindi ko alam na may tato akong ganoon.

"Teka khilua, ang sabi kasi sa Kent Academy ay nasangkot ka raw sa aksidente kaya ka umalis-"

"Yun lang ang pinalabas namin para hindi na sila mag tanong pa... Normal ang mga estudyante sa KA, hindi nila dapat malaman" paliwanag niya saka tuluyan akong iniwan.

Aexearene Academy: School of special abilities (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon