Chapter 11

65 5 0
                                    

Matapos kong kumain ng umagahan ay nag ayos lang ako saglit saka ako lumabas para puntahan si Ares.

Ngayon kasi ang ensayo ko sa kaniya at naisip niya ring umaga ito gawin.

Impluwensya ng hari.

Medyo kinakabahan pa ako habang mag isa kong tinatahak ang daan papunta sa gubat.

Na trauma na kasi ako simula nung nag pumilit akong pumunta roon. May parte rin sa akin ang pumipigil na ilakad ang mga paa ko.

Pero wala akong choice dahil yun ang sinabi ni Sir Javier at nandoon na rin si Ares.

Kung pwede lang sana akong mag pahatid kay Ceres kaso ay kasama niya si Hera na umalis kanina, si Hermes naman ay abala sa kusina, at hindi ko naman mahanap kung saang lupalop nag punta si Zeus.

Ang hari iyon talaga ay hindi mo mamamalayang wala na pala. Parang bulang bigla bigla na lang nag lalaho.

Binilisan ko na lang ang pag lalakad ko at isinara ko na ang isip dahil baka gamitin pa yun laban sa akin. Hindi ako kampante sa lugar na to.

Masyadong misteryoso.

"Natagalan ka yata" Rinig kong ani Ares ng makita ako.

Kung alam mo lang ang naging takot ko makarating lang rito.

"Alam mo naman yung nangyari" Mahinang sabi ko.

Inilibot ko ang paningin ko para suyudin ang buong kagubatan.

Para na itong simpleng patag na lugar katulad ng pinuntahan namin ni Ceres. Malayo na kami sa mga matatayog na puno pero hindi ko parin maiwasang mag alala.

"Goodmorning"

Awtomatiko kong hinanap ang pinag mumulan ng tinig na iyon. Bakit siya nandito?

Naka krus pa talaga ang mga braso niya habang nakatingin sa akin.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Binabantayan ka" Sagot ng hari saka naupo sa isang troso na nasa gilid. "Wag niyo na kong isipin... I Shhh"

Ang ngisi niya... Iba ang epekto sa akin... Kailangan kong patigilin ang pag pintig ng puso ko.

Kumalma ka... Simpleng ngisi, simpleng salita lang iyon...

"Tanggalin mo ang kaba mo Lia... Hindi ka makakalaban ng kinakabahan ka" Utos ni Ares sa akin kaya't sunod sunod ang naging pag lunok ko.

"Bakit kasi dito pa tayo?"

Hindi ko maiwasang sisihin si Sir Javier kung bakit iba ang pakiramdam ko ngayon dahil siya ang nag utos nito...

Pero hindi ko naman siya magawang salungatin kahit ginagawa na iyon nina Athena at Zeus.

"Kailangang matanggal mo ang takot mo sa isang lugar Lia... Lumabas ka sa comfort zone mo... Papaano kung malaman ito ng kalaban at dito ka dalhin? Paano mo ipag lalaban ang sarili mo kung takot ka na sa lugar na pinaglagyan sayo?"

Mag kakapareho silang tatlo... Mahilig silang mag bigay ng isang sitwasyon pero hindi sila nawawala sa gusto nilang sabihin.

Hindi naman sa natatakot ako sa lugar na to... Hindi lang talaga ako komportable. Para kasing may nangyaring masama rito.

Iba ang epekto sa akin.

"Hindi naman ako takot" Sabi ko kaya saglit siyang napangiti sa akin.

Aexearene Academy: School of special abilities (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon