"Victory ball? Para saan yun, wala namang nag laban ah"
Naguguluhan na talaga ako sa mga terminologies nila masyado silang maraming salitang hindi normal.
Normal naman yung Victory at Ball sa akin pero alam kong may iba pang meaning yun sa kanila saka sa pag kakaalam ko nagaganap lang yun pag may gusto silang i-celebrate o ano.
"Victory ball... Ginaganap iyon rito sa Aexearene taon taon at hindi lahat ay inbitado... Vis at Vehemens lang ang pwedeng dumalo" paliwanag ni Hera.
"Bakit naman? Ang unfair naman nun sa ibang kulay kung di sila pwedeng pumunta eh estudyante rin naman sila"
May tatlo pa kasing kulay bukod sa Ginto at pilak... Well kung ako ang nasa posisyon ng mga yun ay malulungkot rin ako.
Masyado kasing hinahati ang mga kulay.
"Pinangalanang Victory Ball yun dahil sa pangalan ng kulay natin. V sa Vis at V sa Vehemens... Atsaka ginagawa yun para kilalanin ang dalawang pinaka makapangyarihang kulay, para narin bigyang pag galang dahil tayo lang naman ang kadalasang isinasabak sa labanan, taon taon dahil hindi natin sigurado kung bukas ay kumpleto pa tayo"
Wag naman sana... Pero sobrang delikado ng mundong to para maging kampante na buo parin kami hanggang dulo.
We are fighting for our life or should I say for other person's life, and for this academy.
Matapos naming mag ayos ni Hera ay dumiretsyo na kami sa sinasabi niyang Mall raw rito sa loob ng Aexearene... Medyo nalulula na nga ako dahil sa dami ng pasikot sikot sa eskwelahang to.
Muntik ko ng isipin na isang bansa ang AA.
Sa kalagitnaan ng pag lalakad namin ay napansin kong huminto si Hera.
"Lia nakalimutan ko, may papers pala akong hahanapin... Pwede mo ba akong samahan sa Docs? Sandali lang naman tayo"
Hindi ko na tinanong kung saan yun at binigyan ko lang siya ng simpleng tango saka kami pumunta sa sinasabi niyang docs.
Tumambad sa amin ang isang malaking gusali. Sa itaas nun ay may naka paskil na DOCS... Documents siguro ang meaning nun.
Puro papel kaya ang nandito sa loob... Parang sobrang dami ng estudyante rito ah.
Kasing laki lang nito ang Library... Sinundan ko lang si Hera ng pumasok siya sa elevator na disenyong kahoy.
"Dun tayo, nandun yung papers natin" patakbo niyang pinuntahan ang isang kwarto na may simbolo ng Vehemen sa may pintuan.
Malaki iyon at tulad ng nasa Dorm ay kulay ginto rin. Katapat niyon ang Vis, pilak... Meron rin naman ang ibang pang kulay.
Nasa baba ang Quies o kulay berde, ang dilaw ay tinatawag na Medicus, at ang Asul, psychica.
Quies raw ang tawag sa mga berde dahil hindi sila gaanong kilala sa AA at sila ang may pinaka payapang kulay dahil nga parang hindi sila nag eexist rito... Malinaw na sakin ngayon kung bakit ganun ang ugali ni Ares.
Ang mga berde naman ay pinangalanang Psychica dahil sa kapangyarihan nila.
Kilala kasi ang mga ito sa pagiging mahusay sa pag basa ng isip... Katulad naming mga Vehemens ay nagagawa rin nilang bumasa ng isipan ng kalaban, ang pinagkaiba nga lang ay mas mahusay sila sa amin dahil yun ang mas binibigyan nilang pansin.
Habang abala si Hera sa pag hahanap ay inilibot ko na lang ang paningin ko.
May isang envelope ang naka agaw ng pansin ko... Naka patong iyon sa lamesa at nakabukod yun, hindi katulad ng sa iba.
BINABASA MO ANG
Aexearene Academy: School of special abilities (COMPLETED)
FantasyI'm Aphrodite Liana Despues...I thought I already knew myself,I thought my personality was complete but I was wrong... That section helped me identify who I really am... ~ Vehemens ~