Ilang saglit lang ay kaharap ko na si Hermes. Tinanaw tanaw ko pa si Zeus pero malayo na siya sa akin.
"Hey Ms. Beautiful"
"Ganto pala pakiramdam pag babaero nagsabi ng ganyan" tinagilid niya pa ang ulo na parang nag hihintay ng idudugtong ko. "Parang hindi totoo"
"So you don't believe that you're beautiful?"
"I do pero pag sayo nanggaling parang isa na lang siyang HI" ngumiti ako saka mas idiniin ang huling salita.
"Eh ako di mo ba ako pupurihin?" Anito saka lumayo ng konti sa akin na parang ipinapakita ng buo ang sarili.
"To tell you honestly... Maganda yung pagkakaplantsa ng suot mo"
"The fudge! Lia naman iangat mo naman ako kahit kaunti"
"Matagal ka ng nakaangat baliw! Confidence mo palang lumulutang ka na" Saglit ko siyang inirapan saka bumalik sa posisyon namin kanina.
Hindi na siya nag salita dahil sigurado naman siyang babasagin ko lang ang trip niya.
Hindi naman sa gusto ko siyang inisin, gusto ko lang siyang gantihan.
Aba ano? Ako na lang ng ako ang palaging busangot? Well it's a no no for me.
"Gusto sana kitang gantihan kaso gusto ko parin namang huminga"
Pinagsasasabi nito? Di na ba siya makakahinga kung sakaling asarin niya ako pabalik?
Ilang saglit lang ay umikot na naman ulit ang nasa tabi ko sa madaling sabi parang switching of partners nanaman ang nangyari.
"Ares"
"You're so shocked" walang gana niyang sabi.
"Hindi kas-" napahinto ako sa pagsasalita ng bigla niya akong hawakan sa baywang at hatakin papalapit sa kaniya.
ARGH! Wag masyadong malapit baka atakihin ako ano ba!!!
"What are you saying again?"
Mahina kong kinlaro ang lalamunan saka inisip kung ano ulit ang sasabihin ko. Kaso nakalimutan ko!
Bakit kasi may nararamdaman akong kuryenteng dumadaloy sa kamay niya.
"Lia"
"Ah- ano... Bakit ka nandito, si Athena baka hinahanap ka" aish what a lame excuse Lia.
"Don't worry about her, she won't eat you"
"Hindi naman ako natatakot sa babaeng yun... Nag-aalala lang ako, baka mag selos"
Sa sobrang kalintaan ba naman ng babaeng yun, imposibleng hindi siya mag selos.
"Selos? Why would she be jealous?" Natatawa tawa niya pang sabi.
Manhid ba siya? Di niya ba nahahalata, o baka wala talagang malisya yun sa kaniya pero hindi ba problema yun? Well sakin oo, ewan lang sa kanila.
"Because she likes you? It's obvious!"
"I don't think so."
"Well you're numb... Halata na kaya sobra"
Pano ba kasing hindi niya yun mararamdaman? Halatang halata naman.
"Pano mo nasabing yun nga ang nararamdaman niya? Are you like that before?"
BINABASA MO ANG
Aexearene Academy: School of special abilities (COMPLETED)
FantasíaI'm Aphrodite Liana Despues...I thought I already knew myself,I thought my personality was complete but I was wrong... That section helped me identify who I really am... ~ Vehemens ~