Chapter 28

34 4 0
                                    

"Lia bilisan mo ah"

"Oo Hera sandali lang ako, mauna na kayo" Sabi ko saka niya ako tinanguan at iniwan sa dorm.

"Nasaan ba kasi ang sapatos ko? Nilagay ko lang naman kasi yun dito" pagkausap ko sa sarili habang patuloy parin sa paghahanap ng sapatos.

Bumalik ako sa kwarto sa pag-aakalang andoon ko lang iyon naiwan. Hindi naman kasi ako pwede umalis ng yapak no. Baka akalain pa nila wala akong perang pambili.

Lumuhod ako para silipin ang ilalim ng kama ko at tama nga ako. Nandun lang ang sapatos ko, nasipa lang siguro kahapon. Bakit ba kasi sa kusina ko yun hinanap?

Paalis na sana ako ng maisintas ko na iyon pero may gintong bagay sa ilalim ng kama ko ang kumislap. Dahil sa kuryosidad ay muli ko iyong sinilip at sinubukang abutin. Malapit ko ng makuha ang bagay na yun ng-

"Lia tara na!"

"Oo teka!"

Aish! Imbis na nasa kamay ko na iyon ay naihagis ko pa palayo dahil sa gulat... Bakit ba kasi masyadong nagmamadali ang mga tao dito?

Agad akong lumabas ng dormitoryo at patakbong nagtungo sa silid para hindi ako mahuli pa sa klase. Sunod-sunod na kasi ulit ang klase namin dahil matagal-tagal narin kaming natenga.

At as usual, hindi pwede ang ganun dahil nga sa importante ang oras hindi lang sa mga Vehemens kundi sa ibang Xearenes din.

Malalim ang naging paghinga ko bago tuluyang makaupo sa tabi ni Zeus.

"You're late"

"Hindi ah, maaga ka lang talaga" Sagot ko sa kaniya saka umayos na ng upo.

Habang nagtuturo si Ms. Keight ay hindi ko mapigilan ang sarili kong mag-isip ng kung ano-ano. Kusang lumilipad ang utak ko at madali akong mawalan ng kontrol dito.

Napansin ko kasi na napapadalas ang pagsakit ng ulo ko at hindi iyon bastang sakit. Iba ang pakiramdam ko.

"Ang mga Irahs... Sila ang isa sa matitinding katunggali niyong mga Xearenes... Ang mga naghahangad ng mas malakas na kapangyarihan" pagpapatuloy ni Ms. Keight sa pagtuturo. "Kung kayong mga Vehemens ay may symbolo, ganun rin ang mga Irahs... Ang itim na rosas"

Napansin siguro ni Zeus ang paghawak ko sa sentido kaya agad niya akong inalalayan gamit ang dalawang kamay niya.

"Sumasakit na naman ba ang ulo mo? Ipapatigil ko na ang klase kung oo, sa susunod nalang natin ipagpatuloy" nag-aalala niyang tanong kaya't agad naman akong umiling sa kaniya.

Hindi ko pwedeng sagutin siya ng oo. Masyado ng maraming araw ang nasayang dahil sa akin at hindi na iyon maaaring maulit muli.

"Ayos lang ako Zeus" Sabi ko saka siya binigyan ng pekeng ngiti. Kahit na ganoon ang sinabi ko sa kaniya ay bakas parin ang pag-aalala at hindi niya paniniwala sa sinasabi ko.

Hindi ko na siya nilinggon pa sa halip ay ibinaling ko nalang ang atensyon kay Ms. Keight dahil sigurado naman akong maya-maya lang ay aayos na ang pakiramdam ko.

"Hindi naipagpatuloy ang labanan noon dahil sa malaking kaganapan ang nangyari sa pagitan ng dalawang grupo." Bakit parang pakiramdam ko ay may kinalaman na naman sa akin ang mga nangyari noon. Kung bakit naudlot ang pinaghandaang laban. "At ang hindi kataka-taka... Siguradong tatapusin ng mga Irahs at ni Labrirah ang naudlot na laban... Ang lahat ay mauulit, maraming masasaktan, at maraming luluha"

Aexearene Academy: School of special abilities (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon