Chapter 2

135 5 26
                                    

"Malapit ng magsimula ang klase... Lumabas na kayo" Utos ng masungit na lalaking to na Zeus ang pangalan.

May mas masungit pa pala sa kaklase kong ayaw mamigay ng papel pag exam.

"Tara na Lia" Pagyayaya ni Hera.

Sandali ko pa siyang pinagmasdan. Wala siyang dalang kung ano.

"Wala ka bang dadalhing papel, ballpen, or what so ever?" Medyo naguluhan siya sa tinanong ko pero agad rin naman siyang tumawa.

Ganito ba talaga ang pakiramdam na maging natural comedian? Wala pa nga akong ginagawa tumatawa na?

Seryoso kaya ako sa sinasabi ko... (TT)

"Hindi namin kailangan yun... May photographic memory tayong mga Vehemens... Di na natin kailangang Mag sulat"

"Huh? Eh pano ko yun magagamit?"

Matagal na akong may ganun? Sayang naman hindi ko nagamit nung nasa normal na eskwelahan pa ko!

Edi sana lagi akong may medal... Tsk kaya siguro laging may honor si Ate Dion alam niya na sigurong gamitin yun.

"Hindi naman itinuturo yun... Pero try mong mag focus lang sa tinuturo malay mo tumalab..." Paliwanag niya. Eh pano ko magagawa yun? "Tara na baka magalit pa si Zeus."

Zeus-miyo... Bakit ba namin iniisip ang galit ng mokong na yun?

Tsk... Prinsipe kuno ewan... Hmp

Magkasabay kaming maglakad ni Hera papunta sa Room na sinasabi nila.

Wala si Ceres ngayon dahil nasa bubble daw siya para tumulong na mag ayos. Kasama niya si Hestia.

Ewan ko lang kung anong meron sa Bubble na yun... Wala akong ideya at ayaw namang ipaliwanag sa akin ni Hera.

Tumigil ako ng may mapansing isang malaking gusali sa harapan ko. Gawa ito sa salamin pero hindi siya transparent... Hindi ko alam kung palasyo rin ba to o ano.

Pumasok naman sa isip ko na palasyo na nga itong nilalakaran ko tas sa loob ng malaking palasyo ay may mas maliit na palasyo?

Hindi naman ako naka drugs pero bakit pakiramdam ko nag ha-hallucinate ako? High na ba ako?

"Tara baka malate tayo" Ani Hera saka ako hinatak papasok.

Ang kaninang itim na salamin ay naging transparent na ng maka pasok ako. Grabe naman ang nag design nito ang lawak ng imahinasyon.

Pag ako nag patayo ng bahay papacontact ko yun kay Ate Dion.

Naupo kami sa gintong upuan na nasa loob niyon. Labing isa lang ang upuan na nandito. Sakto sa amin.

"Patabi ako" Ani Ceres ng maka dating na at umupo sa upuan na nasa tabi ko.

Naka upo kami sa gitna at napapagitnaan ako ni Ceres at Hera.

Habang nag hihintay sa Guro namin ay pinagmasdan ko na lang ang bawat sulok ng palasyong ito, este silid.

Napansin ko ang mga litrato na nakadikit sa pader sa may harapan. May parang kung anong pumo-protekta roon.

"Hera" Pag tawag ko sa kaniya pero lumingon rin si Ceres.

"Hm?"

"Ano yun?" Tanong ko sabay turo sa mga litratong naka dikit roon. "Mga bayani ba yun?"

Aexearene Academy: School of special abilities (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon