Kagaya ng sinabi ni Hera ay nagtungo nga kami sa Bubble na yun dahil dun raw ang susunod naming klase.
Ang akala ko ay tapos na ang pagkamangha ko rito sa Aexearene Academy pero hindi...
Halos lumuwa ang mga mata ko ng makita ko ang sinasabi nilang Bubble.
Para iyong malaking bula na naka lutang. Sa gilid niyon ay may gintong hagdan.
Kaya siguro bubble ang tawag rito dahil para siyang higanteng bula.
Dahan dahan akong umakyat papasok roon. Halos hindi ko maitapak ang paa ko dahil sa takot ko na baka mahulog.
Transparent kasi siya at ang taas pa ng kinalalagyan nito kaya nakakalula.
"Sige na Lia" Ani Hera kaya malalim ang naging pag hinga ko saka nakapikit na pumasok roon.
Hindi na lang ako tumingin sa baba dahil baka himatayin ako rito.
Nakita ko si Ceres na kasama ni Hestia. May hawak si Hestia na parang isang maliit na bote.
"Hera anong ginagawa ni Hestia?"
Oo chismosa na kung chismosa basta! Naku-curious ako...
"Nilalagyan niya ng lason ang mga sandata para kapag kinailangan ay hindi na iyon uubos ng oras." maikling paliwanag niya pero lalo akong nagkaron ng tanong sa isipan.
"Bakit? Ah I mean bakit kailangan ng sandata?"
Ngumiti siya saka naupo sa may couch na nandito.
"Noon kasi ay tinake- advantage ng mga kalaban ang pag leensayo ng mga Vehemens dahil alam nilang walang makakalaban sa kanila dahil iniisip nilang mahihina ang ibang kulay... Kaya naging handa na ang mga Xearians, alisto, para hindi na maulit ang nangyari"
"Ibigsabihin ang itinuturing lang nilang kalaban ay tayo?" dagdag ko pa.
Oo kailangan ko talagang malaman.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay kulang ako. Ewan ko pero ang weird.
"Hindi... Buong Xearians ang kalaban nila pero pakiramdam nila ay mahihina ang iba sa atin kaya tayo ang tinatarget" nagulat ako ng biglang sumulpot si Flash aka Ceres sa tabi ko.
Ibigsabihin nito ay mas kailangan naming mag-ingat.
Lalo na ako, kailangan kong mag ingat dahil hanggang ngayon ay wala pa akong ideya sa kakayahan ko.
Wala pa akong alam... Hindi ko pa kayang ipagtanggol ang sarili ko.
"Nandito na ang lahat... Welcome Aphrodite" bati ng teacher namin.
"Salamat po Sir-" natigilan ako dahil hindi ko pa siya kilala pero pakiramdam ko ay kilala ko na siya.
Sa totoo lang ay hindi ko na talaga maintindihan ang nararamdaman ko ngayon.
"Javier" Pakilala niya sa akin saka iniiwas ang tingin. "Let's start"
Biglang lumiwanag ng iharap niya ang kamay sa gitnang parte nitong bubble.
Pakiramdam ko ay namamalikmata lang ako pero bigla ring nagkaroon ng isang malaking parisukat na kwarto sa loob ng bubble.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Tinignan ko sina Hera at Ceres na walang pakialam sa nakita at tanging ako lang ang mukhang gulat.

BINABASA MO ANG
Aexearene Academy: School of special abilities (COMPLETED)
FantasíaI'm Aphrodite Liana Despues...I thought I already knew myself,I thought my personality was complete but I was wrong... That section helped me identify who I really am... ~ Vehemens ~