Chapter 25

42 4 0
                                    

Hera's POV

"Sino naman sa kanila ang may galit sa kaniya?" Tanong ni Diana habang nakaupo lang sa tabi ni Lia at tinitignan ito.

Yun din ang iniisip ko... Sino ang magtatangkang gumawa nito sa kaniya gayong wala naman talaga syang kaaway rito sa AA.

"Hindi malabong si Segried."

"That's imposible Vesta, duwag si Segried at alam niyang kaunti lang ang nakakaligtas rito kaya hindi siya." Pagkontra naman ni Athena.

May punto siya... Hindi si Segried ang gagawa nito, imposibleng sya.

"Kabisado mo siya no? Pareho kasi kayo ng haba ng sungay"

"Hindi, ang stupid mo lang talagang mag-isip ng salarin"

"Ah talaga ba?"

"Tama na nga yan! Kahapon pa kayo bangayan ng bangayan" Naiinis kong saway dahil kung hindi ko pa sila aawatin ay malamang sa malamang ay hindi sila titigil kakabangayan.

"Tama si Athena, imposibleng si Segried nga ang gumawa nito... Malinis gumalaw ang isang yun at hindi niya ipapahamak ang sarili niya, titiyakin niyang walang kahit na ano ang mag didiin sa kaniya" Paliwanag naman ni Ceres habang nakakrus ang mga braso.

Buti na lang at wala pa sina Zeus dahil tiyak na magagalit sila pagnalaman nila ang nangyari.

Pero imposible rin namang hindi nila malaman dahil tiyak na nakita na nilang magningning ang pulseras nila... Yun rin kasi ang una naming nakita bago pa masabi ni Ceres kung anong nangyari.

Ang akala ko nga ay si Hestia ang napahamak dahil tiyak na gagantihan siya ni Segried dahil sa ginawa niyang pagtatanggol sa mga dilaw.

Muntik ng humiwalay ang kaluluwa ko sa gulat ng bumungad sa amin ang tatlo.

"Ano nang nangyari?" Bungad na tanong ni Ares saka agad na nagdirediretsyo sa tabi ni Lia.

At talagang nag-una-unahan pa silang tatlo.

"Kamusta na siya?" Tanong naman ni Hermes.

"Wala paring malay" Malungkot at bakas ang pag-aalala sa boses ni Diana. Miski ako ay ganun ang nararamdaman.

"Sino sa tingin niyong gumawa nito?" Maawtoridad na tanong ni Zeus kaya ni-isa sa amin ay walang gustong sumagot.

Pero siguradong mag-iinit lalo ang ulo niya kapag walang nagsalita kaya't ako na ang naglakas ng loob.

"Vlaper, Zeus"

"Vlaper? Vlaper?!" Agad akong napapikit dahil sa sigaw niya nang malaman kung ano ang ginamit kay Lia.

Ang kaninang nakasaradong pinto ng kwarto ng ospital ay bumukas ng hindi pinipihit dahil sa sipa ni Zeus.

Wala saamin ang naglakas loob na awatin siya dahil pati kami ay madadamay.

Napaupo pa siya sa sahig matapos maihilamos ang sariling kamay... Nag-aalala siya, alam ko.

"Kamusta ang sirkulasyon ng dugo niya?"

Nilapitan ni Minerva si Lia saka hinawakan ang pulso nito para malaman niya kung ano na ang nangyari.

"Ganun parin gaya ng kanina... May mga namuo na. Mabilis kumalat ang lason ng patalim na ito kaya't mahirap gamutin"

Aexearene Academy: School of special abilities (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon