Lia's POV
Pagmulat na pagmulat ng mata ko ay unang bumungad sa akin si Zeus na nakaupo sa upuan na nasa gilid ng kamang hinigaan ko.
Bakit ako nasa hospital? Ano bang nangyari?
Sinubukan kong tumayo para umalis na dahil wala na namang masakit sa akin at gusto ko ng umuwi pero agad na tumayo si Zeus para pigilan ako.
"Hindi ka muna pwedeng lumabas ng walang kasama."
"Papabantayan mo nanaman ako?... Hindi na Zeus, kaya ko ang sarili ko" Tinanggal ko ang kamay niya na nasa balikat ko saka akmang aalisin na ang kumot nang muli niyang harangan ako.
"Kung kaya mo bakit nakaratay ka ngayon dyan? Sabihin mo nga kung paano ko paniniwalaan ang sinasabi mo gayong paulit-ulit ka nang napapahamak"
Napatigil ako sa sinabi niya. Gusto ko sana siyang kontrahin pero paano ko iyon gagawin kung totoo naman ang mga sinasabi niya.
Pinigilan ko ang sarili kong umiyak dahil sa katotohanang sinabi niya at kinalma ang sarili. Lalo siyang maghihigpit kung ipapakita ko sa kaniyang mahina ako.
"Oo maaaring ngayon, kahapon nasaktan ako, napahamak ako pero hindi ibigsabihin nun Zeus na habang buhay hindi ko na kaya ang sarili ko... Umikot nalang ng umikot sa akin ang buhay niyo, ang buhay mo... Ano pang silbi ng kapangyarihan ko kung hindi ko rin naman yun magagamit dahil kada kibot ko nandyan ka, nakaalalay sa akin" Sa bawat paggalaw niya ay sinusundan ko lang siya ng tingin. "May katungkulan karin rito sa AA Zeus, Hari ka rito at hindi taga bantay ko"
May kaniya-kaniya kaming buhay, at responsibilidad. At hindi kasama sa responsibilidad niya ang alagaan at bantayan ako.
Naupo siya sa kama saka hinawakan ang panga ko at marahang iniharap sa kanya. Hindi na bakas ang awtoridad sa kaniya, kalmado, at seryoso na siya ngayon.
"Lia ayoko lang na mapahamak ka... Ayokong makita ka na namang mag-agaw buhay, ayokong umupo na lang sa silyang yun habang hinihintay kung gigising ka pa ba." Nangingilid ang mga luha sa mata niya at kahit itago niya at subukang hindi pumiyok ay hindi niya nakaya. "Sana naman naiintindihan mo ako"
Hindi ako sanay na nagiging emosyonal siya, hindi ko pa siya nakitang umiyak, hindi ko pa siya nakitang sobrang mag-alala.
Ipinapakita niya ba to dahil sa Vehemen ako at pinoprotektahan nila ang lahat ng kasamahan o...
Ayokong isipin, ayokong akalain dahil ayokong masaktan.
"N-nandito ba ako para tulungan at pagaanin ang trabaho niyo o magpabigat pa sa inyo? Hiyang-hiya na ako sayo Zeus, wala na akong ginawa kundi sumandal nalang sayo" Pakiramdam ko ay naging pabigat pa ako sa kanila simula ng mapadpad ako rito. Pakiramdam ko ay wala akong naitulong sa kanila. I became a Queen without any valid reason. "Give me a chance, gusto kong magpaka Reyna sa AA all this time hindi pa nila ako nararamdaman... Please Zeus"
Pagbigyan mo sana akong patunayan kung ano talaga ang magagawa ko. Gusto kong makilala nila ako bilang ako at hindi bilang si Lia na isang Vehemen... Na naging Reyna ako dahil sa karapatdapat ako, at hindi dahil sa kulay na kinabibilangan ko.
I want to prove myself, that I can do better.
Dahan-dahan niya akong nilapitan saka ginulo ang buhok ko at binigyan ako ng isang simpleng ngiti. "Ipangako mong hinding-hindi kana babalik sa ospital na to, hindi kana mahihiga dyan... Dahil kapag napahamak ka pa, wala na akong gagawin rito kundi bantayan ka"
![](https://img.wattpad.com/cover/245966688-288-k767993.jpg)
BINABASA MO ANG
Aexearene Academy: School of special abilities (COMPLETED)
FantasíaI'm Aphrodite Liana Despues...I thought I already knew myself,I thought my personality was complete but I was wrong... That section helped me identify who I really am... ~ Vehemens ~