Chapter 7

81 5 1
                                    

"May ibibigay ako sa inyo" Nakangiting sabi ni Ms. Keight sa amin.

Nacurious naman ako kung ano yun. Kung baso ba o picture frame.

Itinaas niya ang kamay at nakitang may violet na ilaw ang lumabas roon.

Nang ibaba na niya ang kamay niya ay bumungad sa akin ang isang pulseras na nakapatong sa lamesa na nasa harapan ko.

Nilingon ko pa ang mesa ng iba at may ganoon rin sila.

Para saan to?

Noon ay hindi ko na iinisip kung anong ibigsabihin ng mga bagay bagay pero iba ngayon.

Sigurado akong may kakayahan rin ang pulseras na to... Pero ano yun?

"Tama ka Aphrodite" Mabilis kong inalis ang tingin roon at ibinaling ang atensyon kay Ms. Keight.

Nakalimutan ko yatang isara ang isip ko tsk. Nakakahiya.

Inilibot ko ang paningin ko. Mga wala lang silang pakialam pero nang mapatingin ako kay Hermes ay nakaturo lang siya sa sentido niya habang naka tingin rin sa akin.

Bakit ba kasi palagi kong nakakalimutang isara yun?

"Hindi ko yan ibinigay ng walang dahilan... Bibigyan kayo ng impormasyon ng pulseras na iyan"

Impormasyon? Paanong impormasyon?

Kinuha ko iyon saka pinagmasdan. Mukha itong simpleng pulseras lang. Palamuti.

"May tatlong hiyas ang pulseras na iyan. Ruby(pula), tanzanite(bughaw), at emerald(berde)" paliwanag niya saka itinaas iyon at isa isang ipinakita iyon sa amin. "Kapag nakita niyong nag niningning ang berdeng hiyas ay nangangahulugan itong ang isa sa inyo ay nasapanganib, bughaw naman kung ang isa sa inyo ay nag aagaw buhay, at pula kapag ang isa sa inyo ay nabawian na ng buhay"

Ganun siya kahusay... Kahit ang isang pulseras ay makapangyarihan rin.

Inilusot ko sa kamay ko ang pulseras na iyon at laking gulat ko ng kusa iyong humigpit.

Sinubukan kong tanggalin iyon sa akin pero hindi ko magawa.

"Sa oras na maisuot niyo na iyan ay hindi na yan matatanggal pa... Pwera na lang kung gamitan siya ng isa pang salamangka."

Sa tingin ko ay sobrang tindi talaga ng kakaharapin namin at kailangan namin ng mga ganitong kagamitan.

Sana lang ay hindi ako mahuli at malaman ko kaagad ang kapangyarihan ko bago namin harapin ang anumang maaari naming kaharapin.

"Sa oras na mag ningning yan at hindi niyo pinansin iyan ay malaking pinsala ang maaaring maganap, buhay ng isa sa inyo ang mawawala... Protektahan niyo ang isa't isa" Dagdag pa niya saka ako tinignan.

Protektahan.

Ilang beses ko pa ba dapat marinig ang salitang iyon?

Bakit pakiramdam ko sa tuwing binibanggit ang salitang iyon ay ako palagi ang pinag lalaanan.

Hindi ko alam kung saan nila ako dapat protektahan.

Lumabas na kami sa silid na iyon at nagtungo naman kami sa Bubble para sa susunod naming klase.

Dalawa lang daw talaga ang klase rito sa Aexearene... Nandito raw kasi kami para ipagtanggol ang iba at ang sarili kaya't mas mainam raw na unahin naming pag aralan ang mga bagay na totoo naming magagamit sa pakikipaglaban.

Aexearene Academy: School of special abilities (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon