Chapter 9

70 5 0
                                    

Maaga akong nagising dahil siguro sa hindi naman talaga ako nakatulog kagabi kaiisip sa mokong na yun.

Di ko kasi talaga gets ang utak niya... Sobrang gulo. Saka malay ko ba na may pakialam pala siya.

Tinignan ko ang relo ko para icheck ang oras. Alas syete pa lang pala kaya tulog pa ang iba.

Agad akong nag tungo sa kusina para tignan sana kung may hinanda ng almusal si Hermes.

"Eggs! Buti nakaluto ka na" rinig kong sabi ni Athena kay Hermes saka akmang kukuhanin iyon ng bigla namang ilayo ni Hermes iyon sa kanya. "What's your problem!?"

"Hindi sayo to" ani Hermes saka ibinaling ang tingin sa akin. "Gising na pala si Sleeping beauty"

"Di naman kasi ako nakatulog" Sagot ko.

Ngumiti si Hermes sa akin at ibinigay ang plato na dapat na kukunin ni Athena kanina.

"The Fudge Hermes! Ako ang nauna dyan!" Bwisit na bwisit na ani Athena saka ako pinang lisikan ng mata.

Gumulong sana Eyeballs mong babae ka.

"Hindi naman kasi sayo to"

"Argh!" Sigaw niya saka kami iniwan.

Nang tuluyan na siyang makaalis ay saka humagalpak ng tawa si Hermes. Ang hilig talaga nilang bwisitin si Athena.

Pano ba naman umagang umaga simangot na simangot na akala mo naman dala ang mundo.

Ewan ko ba pero sobrang laki ng galit sa akin ng babaeng yun.

Kinuha ko ang kutsara at tinidor na inabot sa akin ni Hermes saka nagsimulang kumain.

"Dapat ay ibinigay mo na sa kaniya"

Ikinrus niya ang braso saka sumandal sa ref na nandito.

"Hindi ko naman iniluto yun para sa kaniya... Inuna ko lang talaga yung pagkain mo dahil may ensayo pa raw kayo ni Zeus. Baka manghina ko roon, kawawa ka pa" Pang aasar pa niya.

Hindi yata sya mabubuhay ng hindi nasisira ang araw ko. Parati na lang.

Kalma self... Enhale, exhale...

"Iisipin ko na lang na mabuti ang intensyon mo pero nakakabwisit parin" Sabi ko saka nag peke ng ngiti.

Binilisan ko na ang pagkain dahil mag sisimula na rin ang ensayo namin ni Zeus.

Baka mag alburoto pa yun pag nalate ako... Mahirap na.

Nagsuklay suklay lang ako sandali para naman di ako mukang bruha. Baka maging kamukha ko pa si Athena.

"Aalis ka na?" Gulat na tanong ni Hera. Kakabangon pa lang niya kaya medyo pikit pa siya kung mag salita.

"Oo ngayon daw sabi ng Hari eh"

"Galit pa ba yun?" ani Ceres saka iniabot kay Hera ang pagkain niya.

Naks breakfast in bed ka Hera? May pagkasweet rin pala tong si Ceres.

"Di ko rin alam, parang oo yata"

Alas tres na yata ng madaling araw nung bumalik siya sa Dorm. Di naman naman yun bago dahil di talaga siya natutulog ng maaga.

Narinig kong may binabantayan raw siya. Ewan ko ba roon.

"Sige na puntahan mo na baka mas lalong mag init ang ulo niya" Sabi ni Hera at simpleng tango lang ang ibinigay ko sa kaniya.

Aexearene Academy: School of special abilities (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon