Isang tawa ng bata ang narinig ko at kasabay nun ay ang pagbungad sa akin ng isang magandang bata.
Si Ate Dion ito nung bata pa siya ah.
"Ate gusto kong maglaro roon" sabi ng batang nasa harapan ni Ate sabay turo sa palaruan na nasa di kalayuan sa kinatatayuan nila.
"Hindi pwede Galy, bawal nila tayong makita sabi ni Mama diba?"
Galy? Totoo si Galy?
"Pero Ate-"
"Dionella, Galyna! Halina kayo at mag-eensayo pa kayo, tara na" rinig kong pagtawag naman ng isang babae kay Ate at sa sinasabi nilang Galy.
Teka, kilala ko ang babaeng yun...
Siya ang babaeng pinatay ni Labrirah sa harapan namin ni Ate Dion... Anong koneksyon niya kay Ate Dion, at sa akin?
"Hi kamusta! Kayo ba ang mga bagong estudyante ng AA?... Galyna Seraphina, you can call me Galy" pakilala ni Galy saka iniabot ang kamay sa mga kasama.
"Hera, ako si Hera" ani Hera saka tinanggap ang kamay ni Galy at hinatak si Athena papalapit. "Siya si Athena... Siya ang pinsan ko"
"Hi beautiful, I'm Hermes... You can call me yours for short" Pakilala pa ni Hermes saka kinindatan si Galy.
"No thanks, I prefer to call you by your name"
Sunod-sunod pang nagpakilala sina, Diana, Vesta, Minerva, Hestia, at Ceres. Saka dumating sina Ares, at Zeus.
"I'm Ares, Galy's friend" pakilala ni Ares kina Hera saka tumabi sa kaliwa ni Galy, sumunod naman si Zeus hawak-hawak ang skateboard niya.
"Zeus" maikling pakilala niya.
Ibigsabihin ay noon palang kilala na nila si Galy... At hindi lang kilala kundi kasamahan, isa rin siyang Vehemens.
"Galy halika na, dumating na ang Mama at Papa mo kasama si Ate Dion" pagtawag ni Liham saka hinatak ang kamay ni Galy para madaliin sa pag-aayos. "Mamaya na yan, maganda ka na"
Ibigsabihin ay kilala rin ni Liham si Galy, pero bakit niya iyon itinago sa akin? Bakit hindi niya nalang sinabi ang totoo nung nagtanong ako?
"Sandali kasi Liham, palibhasa kasi sanay kang magmukhang gusgusin" aniya saka muling tumingin sa salamin.
Teka, ako to... Ako at ang nasa repleksyon ng salamin ay iisa.
May mga papeles na hawak si Galy ng magtungo siya sa library at may kung anong inilagay sa vault na nandoon.
Malakas ang naging pagsigaw ko ng magising na ako mula sa panaginip.
Kitang-kita ang pagkagulat nila dahil sa sigaw ko. Nandito na sila ngayon at binabantayan ako.
Nilapitan ako ni Hera pero hindi ko na muna siya pinansin at nagdirediretso sa ginagawa.
Lumuhod ako at sumilip sa kama ko, kinuha ko ang isang kwintas na nakita ko nung isang araw.
Binalingan ko muna sila ng tingin bago bukasan ang locket... Nanlaki ang mga mata nila ng makita kung ano ang hawak ko na para bang hindi nila inaasahang makikita ko iyon.
"Lia" pagtawag sa akin ni Vesta pero hindi ko siya pinansin at pabiglang binuksan ang pendant.
Bumungad sa akin ang isang litrato na kamukhang-kamukha ko, sa tabi niyon ay may naka-ukit na pangalan.
BINABASA MO ANG
Aexearene Academy: School of special abilities (COMPLETED)
FantasyI'm Aphrodite Liana Despues...I thought I already knew myself,I thought my personality was complete but I was wrong... That section helped me identify who I really am... ~ Vehemens ~