Bago dumating si Ms. Keight ay hinila ko na ang upuan ko sa gitna at inilayo iyon sa mga upuan nila.
Nauna akong dumating sa kanila kaya kitang-kita ko ang pagkabigla sa mga mukha nila ng makita akong sa gitna naka-upo.
"Bakit nandyan ka, Aphrodite?" Gulat na Tanong ni Ms. Keight sa akin.
"Galyna Miss" Pagtatama ko sa kaniya, nabigla naman siya ng marinig ang sinabi ko... Hindi niya pa alam na alam ko na iyon. "I think mas makakapag-focus po ako kung nandito ako"
"Okay then, let's continue our lesson." Aniya saka ibinaling sa iba ang atensyon at nagsimula sa pagtuturo.
Wala narin siyang nagawa kundi ang hayaan ako sa gusto ko, kahit sina Zeus ay wala naring nasabi.
Mabilis na natapos ang klase ni Ms. Keight kaya agad kaming dumiretsyo sa Bubble para magklase naman doon.
Pinalipad ni Sir ang paru-paro niya at dumapo iyon sa balikat namin ni Zeus, sinyales na kami ang maglalaban.
"Sir, papalitan ko nalang po si Galy" rinig kong ani Ceres saka tumingin sa akin.
Natatakot ba siya na baka patayin ko ang hari nila dahil sa galit ko?
Naglakad ako papunta sa silid na ginawa ni Sir na para bang hindi narinig ang sinabi ni Ceres. "No one will replace me"
Nang makapasok na ako ay sumunod narin si Zeus. Matamlay ang itsura niya at bakas ang pag-aalala sa mukha niya.
Hindi siya mukhang natatakot.
"What now? Magtititigan nalang ba tayo rito?" Sabi ko ng mapansing wala parin siyang ginagawang kilos at patuloy lang sa pagtingin sa akin.
"Galy let me explain-"
Gumawa ako ng bolang apoy at mabilis na hinagis iyon sa kaniya pero agad rin naman siyang naka-ilag dahilan para hindi siya tamaan.
"I don't need your explanation Zeus... Ang kailangan ko ngayon, gantihan mo ang tira ko"
Sunod-sunod ang naging pagtira ko pero patuloy lang siya sa pag-iwas roon kaya lahat ay sablay.
Naglakad pa siya papalapit sa akin na para bang hindi niya naiisip na pwede ko siyang atakihin anumang oras.
"Galy look at you now, you've changed a lot"
"I've changed because of you, ikaw ang gumawa nito sakin"
Hindi ako ganito noon, pero binago niyo ako... Sarili ko nalang ang mapagkakatiwalaan ko.
"Why don't you retaliate?... Wag mong sabihing hindi mo ako kayang saktan, because you already done it"
Magmumukha lang siya impokrito kung sasabihin niya yun, at hindi rin naman ako maniniwala sa kaniya.
"Galy, mali ka ng nakita"
"It is what it is Zeus, hinalikan mo sya ano pang mali sa nakita ko?... I wonder kung ano pa ba sa sinabi mo ang hindi totoo... That you love me, Huh?" Pagkontra ko sa kaniya saka siya tinitigan.
Maramdaman mo sana ang ibigsabihin ng tingin ko... Maramdaman mo sana kung ano ang nararamdaman ng puso ko.
"I love you Galy and I mean it" mahina pa akong natawa sa sinabi niya.
Is he joking?
"You only love yourself, because you're selfish... You only think of yourself" sabi ko saka umalis at iniwan siya sa silid na iyon.
BINABASA MO ANG
Aexearene Academy: School of special abilities (COMPLETED)
FantasyI'm Aphrodite Liana Despues...I thought I already knew myself,I thought my personality was complete but I was wrong... That section helped me identify who I really am... ~ Vehemens ~