Chapter 24

48 4 0
                                    

Maaga akong nagising dahil ngayon na lang ulit kami magkaklase. Medyo matagal-tagal na rin ang nakalipas nung magklase kami dahil puro lang kami ensayo nina Ceres.

Medyo naexcite tuloy ulit akong pumasok at makita ang silid namin.

Kumpleto na naman kaming lahat at tanging si Ms. Keight na lang ang hinihintay kaya't nilibang ko nalang ang sarili sa pagtingin ng kung ano ano.

Di rin naman nagtagal at dumating narin si Ms. dala dala ang libro niya at nagsimula na nga siya sa pagtuturo.

"Alam kong nabasa niyo na sa libro ang pag-aaralan natin pero mas hihimay-himayin pa natin ito ngayon para lalo niyo itong maunawaan." Aniya saka itinaas ang libro ni Aexearene. "Sa bandang gitna ng libro ay ibinunyag ng mga Villarreal na hindi lang si Aexearene ang anak nila... Sinabi sa libro na may kapatid si Aexearene at hindi lang kapatid kundi kakambal."

Naglakad-lakad pa si Ms. Keight hanggang sa makarating siya sa gitna ng silid.

"Si Labrina Irish Villarreal ang kapatid at kakambal ni Aexearene Villarreal... Malaki ang galit ni Labrina sa kakambal kaya't lumayo ito sa mga Villarreal, kasunod nito ay ang pagpapalit niya ng pangalan" Dagdag niya pa.


Tapos ko ng basahin ang librong iyon kaya't nakakasabay na ako sa kanila at alam ko rin ang sinasabi niya.

Pinalitan ni Labrina ang pangalan niya at ginawa itong Labrirah, kasunod nun ay ang pagkalaban niya sa kakabal sa pamamagitan ng pagtatayo ng isa pang eskwelahan na kakalaban sa AA.

Ang Labrirah Academy na isinunod niya sa pangalan niya katulad ng ginawa ng kapatid.

Ang mga estudyante rin roon ay pinangalanan... Ang mga Irahs. Ang nag-iisang kalaban ng mga Xearians.

Ipinakita ni Ms. ang kamay niya at lumabas ang litrato ni Labrirah roon na parang nag-mula sa isang hologram.

Bakit parang kilala ko siyang talaga? Bakit parang dati ko na siyang nakasama?

Biglang nagtayuan ang balahibo ko ng pagmasdan ko pa siya lalo.

Ang itim na itim niyang buhok, magkaibang kulay ng mata, itim na damit, makapal na kilay, at ang mga tingin niya... Ang itim na pendant sa kwintas niya.

Bakit iba ang dating niya sa akin?

Agad akong napahawak sa may sintido ng makaramdam ng hilo dahil doon.

"Lia ayos ka lang?" Tanong ni Hera ng agad na mapatingin sa akin.

Gusto kong magsinungaling at sabihin sa kaniyang ayos lang ako pero hindi ko kaya. Hindi ko kaya ang sakit ng ulo ko.

Parang pinipiga iyong ng pinong-pino... Hindi ko kayang indahin ang sakit.

"Hera nahihilo ako, a-ang sakit ng ulo ko Hera" agad akong napakapit sa kaniya dahil dun.

"Ceres nahihilo raw si Lia"

"Halika na, iuwi na muna natin siya."

Agad rin akong binuhat ni Ceres, at inayos narin kaagad ni Hera ang mga gamit ko.

Papaalis na sana kami ng biglang tumayo si Zeus sa kinauupuan niya ng mapansin na buhat-buhat ako ni Ceres.

"Hey what are you doing?"

"Pasensya na Zeus... Kailangan muna namin siyang iuwi" ang akala ko ay titigil siya at ibababa ako pero hindi.

Nagsimula siya maglakad habang ganun parin ang pwesto ko. Para akong isang baby na buhat-buhay niya.

"What?" Bakas na ang awtoridad sa boses ni Zeus sa pagkakataong ito at kahit hindi ko ibuka ng buo ang mata ko ay alam kong pati si Ms. ay naguguluhan narin.

Aexearene Academy: School of special abilities (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon