chapter 12

57 4 0
                                    

"Name and color"

"Sinag Panganiban...Asul" Sagot ng babaeng nakapansin ng simbolo sa may pisngi ko.

Marahang ibinaling ni Zeus ang tingin sa isa pang babae na may hawak na baso.

Siguradong siya ang nakatapon ng kape sa akin... Base sa itsura niya ay alam long kinakabahan na sya.

Sino ba namang hindi pag papawisan kung ang gigisa sayo ng ganito ay ang hari sa eskwelahang pinapasukan mo.

Dumagdag pa ang maawtoridad na awra niya. Parang handa siya laging pumatay.

"K-khaya Isidro... Asul"

"Hindi mo ba siya nakita?" Mahinahon pero may bahid ng pagiging maangas na tanong ni Ares.

Nakisali pa talaga siya...

"H-hindi ko n-napansi-"

"Dahil hindi ka naman nakatingin sa dinadaanan mo" Pag putol pa ni Zeus kay Khaya kaya mahina kong hinampas ang sikmura niya.

Rinig ko pa ang mahinang pagdaing niya dahil sa ginawa ko.

"Patawad... Pangakong magiging maingat na kami ni Khaya..." Ani Sinag saka tinignan ang kaibigan.

Mukhang pabagsak na rin kasi ang luha ni Khaya kaya miski ako ay naaawa na...

Ang o-oa naman kasi ng mga kasama ko... Hindi naman ako namatay sa kapeng yun.

"Tandaan mo ang mga pangalan at kulay nila, Hermes-"

"Tanda ko na Zeus, hihingin ko rin ba ang number nila?... Aray" Rinig ko pa ang pag daing ni Hermes ng tapakan ko ang paa niya.

Wala na kasing ibang ginawa kundi lumandi ang lalaking ito... Puro pambababae ang alam.

"Sasabihin ko ito sa Head-"

"Zeus!... Wag na." mabilis siyang napalingon dahil sa sinabi ko. "Hindi naman ako nasaktan, nabasa lang ako... Heller malayo to sa bituka"

"Pero Lia kailangan nilang matuto ng leksyon"

"Tama si Ares-"

"Zeus, Ares... Nag sorry na sila... At tinatanggap ko na... Wag na nating gawing komplekado" Bulong ko pa. Kitang kita ko ang pag singhal ni Zeus.

Tsk... Di talaga siya sanay na hindi siya nasusunod... Well, ginagamit niya kasi talaga ang pagiging hari niya.

"Sige... Papalampasin ko to. Hindi ko sasabihin to sa Head pero ayokong mauulit pa to"

Nakangiti at kitang kita ang saya sa mukha ng dalawa dahil sa sinabi ni Zeus... Wagas pa ang pagpapasalamat nila sa mokong kahit di naman talaga kailangan.

Kailangang mag sorry pero One sorry and one thank you is enough... Baka lalong lumaki ang ulo nito.

Papaalis na sana kami pero sandali muna akong huminto sa harap nila dahil pakiramdam ko ay may sasabihin pa sila.

Nakangiting lumapit sa akin si Khaya saka akmang kukunin ang kamay ko ng harangan ito ni Hermes.

"Sorry bawal touch ih... Ako na lang" Conyo? Ano ka sosy?

"Thank you... First time na may nagtanggol sa amin... At never kong inexpect na sayo na Vehemens namin matatanggap yun"

Never? Kahit sina Hera ay hindi pa ginawa to? Bakit? Feeling ko deserving naman sila sa pag tatanggol.

Aexearene Academy: School of special abilities (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon