Chapter 5

83 4 0
                                    

Nag ayos na rin ako ng sarili saka nag palit matapos namin kumain.

Pakiramdam ko ay nag ba-bahay bahayan lang kami kung saan mag kakapatid kaming lahat Maliban kay Zeus.

Bukod sa pagiging mukha chickboy ay may talento rin pala sa pag luluto si Hermes. Mukha kasing marunong lang siyang mambola.

Gusto ko sanang icheck ang phone ko kaso naalala kong hindi nga pala alam ni Ate Dion na dinala ko iyon.

Itinakas ko lang kasi ang phone ko dahil ayaw nyang ipadala iyon sa akin pero dahil si Lia ako, hindi ako pumayag.

Ito ang unang araw ko rito sa Aexearene... Sa totoo lang ay hindi parin nag sisink in sa akin ang lahat.

Pero pakiramdam ko ay masasayahan naman ako rito.

Nag lalagay ako ng lip balm ng mapansin kong pumasok si Zeus.

Hindi kasi talaga siya tumitigil rito sa Dorm. Madalas ay pa gala gala siya sa labas dala dala ang skateboard niyang muntik ko ng putulin kanina.

Naupo lang siya sa kama saka abala sa skateboard niya.

"Hera, sigurado ka ba talagang dito tayo matutulog? I mean kasama sila?" pabulong kong tanong kay Hera.

Never pa kasi talaga akong naka kita ng Dorm na mag kasama ang babae at lalaki.

Oo mukha namang mapag kakatiwalaan ang iba pero hindi ko kaai maalis sa isip ko na lalaki parin sila.

Aish! Nag iimagine lang yata ako.

"Oo, mababait naman sila Lia" naka ngiting sagot niya.

Nang mapansin kong nakatingin ang iba sa akin ay nag angat na rin ako ng tingin sa kanila.

Narinig ba nila? Pabulong lang naman yun ah.

"Wala ka bang tiwala sa amin?" Seryoso at maawtoridad na tanong ni Zeus sa akin.

Sunod sunod ang naging pag lunok ko dahil sa tanong niya.

"Sa kanila? Meron... Pero sayo?" Pabitin na sabi ko saka siya sinuri muna. "Wala yata... Wala nga"

Parang pinag sisihan ko naman kaagad ang sinabi ko ng makita ko siyang naka pamulsang naglakad papalapit sa akin.

Hindi niya inaalis ang tingin sa mga mata ko. Gusto kong alisin ang tingin sa kaniya pero hindi ko magawa.

Ilang hakbang pa ang ginawa niya bago siya makarating sa harapan ko.

Naka upo ako sa ibabang kama nitong double deck kaya unti unti siyang yumuko hanggang sa magkanda duling duling na ako katitingin sa kaniya.

Naamoy ko na ang hininga niya... Nararamdaman ko na rin ang matangos nyang ilong sa ilong ko.

Mahihimatay yata ako... Medic!

"Don't worry wala naman kaming makikita sayo" nakangising anito kaya mabilis ko siyang itinulak papalayo sa akin pero hindi iyon sapat para mapabagsak siya dahil miski ako ay nang hina.

Ang kapal ng mukha ah.

"Hoy sexy kaya ako! Coca-Cola body to no!" Sabi ko saka itinuro ang sarili ko.

Lalo siyang ngumisi saka isinuklay ang kanang kamay niya sa buhok.

"Pag isinalin na sa plastic"

Aexearene Academy: School of special abilities (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon