Kabanata 20

40 2 0
                                    

Kabanata 20

"General rehearsal na 'to, ha? Ayusin niyo na, kung ano ang sayaw niyo ngayon dapat 'yon na rin ang sa performance niyo."

Nagsipagtanguan naman 'yong mga bata habang suot suot nila ang kanilang costumes. Ito na ang last practice namin at sa makalawa na ang kanilang performance.

Kanina pa kami nagsimula mag practice at masasabi ko naman na ayos na iyong ginawa nila. Kaunting tyaga pa at mapeperpekto na nila iyon.

Si Mamsh na ngayon ang nanguna sa practice dahil mas nakikinig ang mga bata sa kanya. Nandito na lang kami ni Elie upang mag supervise.

"Ayos na 'di ba?" tanong ni Elie nang magsimula na ulit silang mag practice.

"Hmm. Maayos na."

Nakukuha naman nila lahat, ang mga posture, ang pag smile, nakikita ko naman na binibigyan na nila ng effort ang kanilang sayaw kaya ayos na iyon sa akin.

Tumayo na kami ni Elie nang matapos. Pagod na rin kami sa pagpractice, ilang oras din kaming nagtuturo dahil nakiusap si Mamsh na magpagabi kami ngayon at sulitin ang available time, kaya naman halos umabot na kaming alas syete. Nauna pa ngang umuwi sa'min si Mama.

"Hay! Sana may kotse na ako," buntong hiningang sabi ni Elie habang nag-aabang na kaming jeep sa labas ng eskwelahan.

"Nag-iipon ka ba?"

"Oo, para naman mahatid sundo naman kita."

"Nahahatid sundo mo naman ako."

"Oo nga. Para na rin hindi mo na ako alukin ng libreng pamasahe." Napangisi na lang ako at napailing. "Hayaan mo, Gel malapit na naman iyon," kampanteng aniya sabay akbay sa'kin.

"Ayos lang naman sa'kin mag commute, kahit maglakad pa tayo."

"Alam mo, Gel. Parati mo na lang gustong mapagod. Ito na nga ako gumagawa ng paraan para hindi ka mapagod pero mas pinipili mo naman 'yon."

"Oo na, oo na. Kunting tyaga mo pa Elie, makukuha mo na rin ang kotse mo." Ngumiti ako at inabot ang kanyang pisngi para halikan.

"Biglang nawala 'yong pagod ko," ngisi niya pa.

Umirap ako na ikinatawa niya. Mas hinigpitan niya ang hawak sa'kin bago halikan sa noo.

Nahirapan pa kami noon makasakay sa jeep dahil punuan ngayon at naipit na rin kami sa traffic.

"Gusto ko na matulog," ani ko at napanguso na lang.

"Kumain ka muna."

"You sound like Mama."

"Kasi parehas ka namin love."

"Ano ba 'yan, Elie. Patagal nang patagal ang korni mo na."

"Pag ako talaga bumanat nang malakas, kikiligin ka nang sobra sobra, Gel," seryosong aniya ngunit tumawa naman sa huli.

Nakangising umiling na lang ako.

"Ginabi na naman kayo," bungad sa'min ni Mama na naabutan naming nanonood ng tv.

"Ngayon na lang, Ma. Kailangan din naman nila iyon."

"Kumain na ba kayo?"

"Hindi pa, Tita. Kayo ba?"

"Hinintay ko kayo."

Sumabay na lang ako sa kanila sa pagkain, dahil na rin siguro sa pagod ay marami ang nakain ko.

"Gel, sasamahan ka ba ni Arci bukas?" tanong sa'kin ni Mama nang matapos kaming lahat. Si Elie ay nanonood naman sa sala.

"Opo, susunduin ako no'n dito."

Love in SyncTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon