Kabanata 10
"Hindi mo kasama ang Don?" paglapit sa'kin ni Raquel at binigyan ng upuan.
May kasama siyang dalawang lalaki rito, 'yong isa naman mukhang bakla. Hinihintay lang namin 'yong grupo ni Raea dahil ngayon sila magpapasukat.
"Hindi, nauna na ako rito."
"Kumusta kayo ng Don?" seryoso niyang tanong.
Hindi ko magawang sumagot. Natutukso akong sabihin ang totoo dahil parang deserve naman nila 'yong malaman. Ano naman mapapala namin kung itago namin ang totoo.
"Ayos naman." Tumango tango ako at binigyan siya ng pekeng ngiti.
She sweetly smiled, "Kahit dati pa, Donya hindi ka nakapagsisinungaling sa'kin. Huling huli kita parati." Napamaang ako sa sinabi ni Raquel, kalaunan ay pilit na lang akong tumawa.
"Ayos naman talaga kami."
"Hmm, ano?" Tinaasan niya ako ng kilay, sobra sobra ang pangdududa.
"Okay, wala na kami." Umiwas na lang ako ng tingin.
Hindi ko maintindihan kung bakit kay Raquel lang ako hindi nakapagsisinungaling. Sa kanya lang ako hindi lumalapas. Kung si Arci naman ay napapaniwala ko pa siya.
"Bakit?" malungkot niyang sabi.
"Sa amin na lang siguro 'yon, Raquel."
"Pero ayos pa naman kayo 'di ba? I mean wala naman kayong galit sa isa't isa."
"Wala naman. Ayos pa naman kami."
"Buti naman. Ayaw kong magkagalit kayo sa isa't isa, sayang naman 'yong pinagsamahan niyo." Ngumiti siya nang pagkaganda ganda sa'kin.
Sayang nga.
Naistorbo ang usapan namin nang tumunog ang phone ko. Agad na napakunot ang aking noo nang hindi nakaregister ang kanyang caller id sa contacts ko.
"Sandali lang, Raquel." Lumabas naman ako para masagot 'yon.
Bago ko iyon masagot ay nakita ko na si Raea kasama ang kanyang mga kagrupo na papunta rito, kinawayan ko lang silang lahat.
"Hello?" agad kong tanong nang masagot ko 'yong tawag.
"Hi Donya!" Mas lalong napakunot ang aking noo nang marinig ko ang matamis na boses ni Elie.
Oo nga pala, I blocked his number years ago, no'ng nakaraan ko lang in-unblock.
"Bakit ka tumawag?"
"Asan ka? Sarado ang bahay niyo, nasa rooftop ka na ba?"
"Na kay Raquel ako. Hindi ba magpapasukat sila ngayon?"
"Oo nga, 'no."
"Asan ka ba?"
"Sa opisina, may tinatapos lang na trabaho. Saan ka ba kakain?"
"Uuwi na lang muna siguro ako."
"Kain tayo sa labas, hintayin mo 'ko."
"Huwag na, mamamasahe ka pa papunta rito."
"Edi ikaw na lang ang mamasahe." Narinig ko pa siyang tumawa sa kabilang linya, tarantado. "Para naman makapunta ka rito sa pinagtatrabahunan ko, may malapit lang naman na kainan dito."
Kaunti akong natahimik, nag-iisip kung papayag ba ako sa gusto niya. "Sige, saan ba 'yan?"
"Yes!" Nagulat pa ako sa kanyang naging reaksyon ngunit kalaunan ay natawa na lang, "Text ko na lang sa'yo, sige Gel ingat ka."
BINABASA MO ANG
Love in Sync
RomanceGeliana, the Doña of folk dance and social dances of Eastview, has to fight for her life while keeping it a secret, in order to protect the people around her. ============================================================================== Geliana Ivy...