Kabanata 26
"Asan gamot mo, Gel?" natatarantang tanong ni Elie.
"Gel." Bigla kong narinig ang boses ni Arci. "Elie, kumuha ka ng tubig."
Hinagod hagod na ni Arci ang likod ko at inabot naman sa'kin ni Elie 'yong tubig. Mabilis akong nagmumog at ininom 'yong tubig bago mapaupo sa sahig.
'Yong isang kamay ko ay nasa tyan habang 'yong isa ay nasa ulo ko. Parang mababaliw na ako dahil sa sakit, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.
"Gel, gamot mo." Pilit na binibigay sa'kin ni Arci 'yong gamot ko. Hindi ko magawang kunin dahil okupado ang kamay ko.
"Gel, shh. Mawawala na 'yan, inumin mo na ang gamot mo," pagpapakalma pa sa'kin ni Elie.
Napapikit ako nang mariin at napasabunot ng buhok. Kinuha ko na lang ang gamot ko at mabilis na inumin at bumalik muli sa dating posisyon.
Halos nalilimutan ko nang huminga dahil sa pagpigil sa sakit. Malalalim ang bawat pagkuha ko ng hangin na mas lalong nakapanghihingal sa'kin.
Bigla ko naramdaman ang kamay ni Elie sa aking likod. Hinaplos niya iyon bago ako balutin ng isang yakap.
Nahugot ko ang aking hininga at pilit na pinapakalma ang sarili, takot na baka kulangin na sa hangin.
When I can afford to move ay niyakap ko nang mahigpit si Elie, pilit na kumukuha ng lakas dahil nanghihina na ako.
"Doon ka na sa kama, Gel," ani Arci.
"Ako na." Maingat akong binuhat ni Elie at dinala sa kama.
"Sa hospital ka nga lang dapat," buntong hiningang sermon pa sa'kin ni Arci, umiling lang ako. "Umalis na si Tita, pinapunta ako rito para bantayan ka. Hindi ko naman alam na may kasama ka na pala."
"Ayos ka na ba?" Tumango na lang ako kay Elie.
Napasandal na lang ako sa pader at pumikit. Binigyan ako ni Arci ng unan na agad ko namang nilagay sa aking tyan.
"Iwan ko muna kayo," paalam ng kaibigan ko.
"Pinagdaanan mo ang ganong hirap ng dalawang taon, wala man lang ako sa tabi mo."
Napamulat ako, nakita ko siyang nakatungo at pinagmamasdan lang ang kamay ko. Hindi ko magawang makapagsalita, natatakot ako na baka isang galaw ko lang ay bumalik ang sakit kahit nga paghinga ay natitigil ko na rin paminsan minsan dahil sa pag-iingat.
"Tangina, Gel. Kung hindi ko lang nagawa 'yon sana magkasama tayo sa bawat hirap. Tangina talaga." Napahilamos siya sa kanyang mukha at hindi na natigil sa pag iling.
Inabot ko ang kanyang kamay. Nang mapatingin siya sa'kin ay umiling ako.
"At some point, I was glad that we broke up para hindi na dumagdag sa isip mo kung ano ang kinahinatnan ko. You should've been with another woman, 'yong walang sakit, para naman tumagal kayo."
"Wala nang iba, Gel. Ikaw at ikaw lang ang kaya kong mahalin. And knowing your condition isn't a burden to me." Kinuha niya ang aking kamay at hinalikan iyon.
"But I can't stay, alam mo na 'yon. Wala nang paraan para manatili ako. Once I'm gone, wala ka nang makakapitan, you deserve happiness too, Elie."
"You gave me that happiness, Gel. If you can't stay, then I will. I'll be the one to stay with you through the end, even after that."
Hinaplos haplos niya ang aking buhok bago punasan ang takas na luha sa aking pisngi.
He made me smile. I can't even think what I did to deserve someone like him. Sa rami ng paghihirap na binigay sa'kin, he's the one that made it all bearable.
BINABASA MO ANG
Love in Sync
RomanceGeliana, the Doña of folk dance and social dances of Eastview, has to fight for her life while keeping it a secret, in order to protect the people around her. ============================================================================== Geliana Ivy...