Wakas
"Ma," pagtawag ko sa kanya habang inaayos niya ang mga pagkain namin.
Kaming dalawa lang ang nasa kwarto, sabado ngayon kaya wala siya masyadong trabaho, si Papa naman ay meroon.
"Ano 'yon, anak? May masakit ba sa'yo? Anong nararamdaman mo? May kailangan ka ba?" sunod sunod niyang tanong sa'kin.
Matamlay lang akong ngumiti at umayos ng upo.
"Kumusta po kayo ni Papa?"
Kumunot ang kanyang noo at tila ba natigilan sa naging tanong ko.
"Wala namang problema. Ayos naman ang trabaho ng Papa mo at considerate naman ang principal at alam kung anong kalagayan mo ngayon."
"Hindi ba kayo nahihirapan dahil sa'kin?"
"Geliana," buntong hininga aniya at naupo na sa tabi ko. "Siguro parte na 'yan ng pagiging isang magulang. Kapag nakikita naming nahihirapan ang anak namin, mahihirapan na rin kami para sa kanya. Syempre nasasaktan kami kapag nakikita naming nahihirapan ka, pero hindi kami mapapagod. Alam mo kung bakit?" Napalunok ako nang pagmasdan niya ako at sinuklay suklay ang aking buhok. "Dahil mahal na mahal ka namin at sapat na 'yon para hindi kami mapagod sa kaaalaga sa'yo, hindi namin iisipin ang paghihirap dahil mas inaalala ka namin. Kaya ginagawa namin ang lahat, Gel."
"Kaya niyo pa ba?"
"Oo naman. We get by. Maraming tumutulong sa'tin, Gel. Your friends help, lalo na si Arci, siya na ang nagbayad ng kwarto mo, pinili pa niya ang may TV dahil alam niyang gusto mong panuorin 'yong bagong teleserye niya. Si Elie naman gustong tumulong pero nagdalawang isip pa akong tanggapin iyon dahil masyadong malaki, kailangan din naman niya iyon pero pinilit niya. Maraming tumulong, Gel pati nga iyong mabait na babae, sabi niya ay parang Ate na rin daw 'yong turing nila sa'yo kaya nagtulong tulong sila ng mga kaklase niya."
Napangiti na lang ako sa kinukwento ni Mama. Pasimple ko namang kinusot ang aking mga mata para maalis ang nangingilid na mga luha.
"Kumain ka muna, kukuha ako ng mga gamit sa bahay. Pupunta naman daw dito si Arci."
"Pwede, Ma pakuha no'ng coloring book namin ni Elie. Pati na rin 'yong maliit na box na nasa lamesa ko."
"Sige, ano pa ba?"
"Ballpen at papel," wala sa sariling sabi ko. Naguguluhan man ay tumango na lang siya. Nang matapos kaming kumain ay saktong dumating si Arci kaya naman umalis na si Mama.
"Ala una na, Gel."
"Andun 'yong remote." Turo ko sa lamesa. Naupo siya sa tabi ko at sabay na naming pinanonood 'yong teleserye niya.
Ganito naman kapag hapon, hindi ko pinapalampas hangga't kaya. Minsan kasama ko si Elie sa panonood. Parati kong sinusubaybayan ito.
Pasensya na kung papatulugin na muna
Ang pusong napagod kakahintay
Kaya sa natitirang segundong kayakap ka
Maaari bang magkunwaring akin ka pa
Bago magpatalastas ay pinatugtog iyong sound track no'ng teleserye kagaya ng parati nilang ginagawa.
"Salamat, Arci." Bumaba ako ng tingin bago siya harapin.
"Hindi ko alam kung bakit ka nagpapasalamat. Kung ano man ang nagawa ko, deserve mo 'yon." Pareho kaming napangisi nang sinabi niya 'yon.
"Ikaw pala ang nagbayad nito." Lumambot ang kanyang ngiti.
BINABASA MO ANG
Love in Sync
RomanceGeliana, the Doña of folk dance and social dances of Eastview, has to fight for her life while keeping it a secret, in order to protect the people around her. ============================================================================== Geliana Ivy...