Kabanata 23

40 2 0
                                    

Kabanata 23

"May problema ba?" kunot noong tanong ko kay Papa nang tumawag siya sa'min. Kanina ko pa nahahalata ang kanyang pagkabalisa.

Kararating ko lang galing sa practice namin ni Elie, hindi pa nga ako nakapag bibihis. Nakaupo naman sa tabi ko si Mama at pareho kaming nakaharap sa screen ng kanyang laptop.

Bumuntong hininga si Papa bago niya ako sagutin, "Nagkaproblema kasi sa kumpanyang pinagtatrabahunan ko. Nalulugi na, kaya 'yong iba pinauwi na kahit hindi pa tapos ang kontrata."

Naitikom ko ang aking bibig at napalunok. Ito yata ang unang pagkakataon na nagkaproblema sa kanyang trabaho. Akala ko malala na ang aking kondisyon, may daragdag pa pala sa sitwasyon namin.

"Uuwi ka na ba?" matagal bago iyon itanong ni Mama.

"Hindi pa naman siguro. Hindi pa naman ako pinapauwi, pero hindi malabo na baka nga," paliwanag ni Papa.

My mind went blank, hindi ako makadesisyon kung magiging masaya ba ako dahil makuuwi na siya o magiging malungkot dahil mawawalan siya ng trabaho.

"Hayaan niyo. Kung pauwiin man ako, r'yan na ako sa Pilipinas maghahanap ng trabaho. Para na rin kay Geliana." Matamlay siyang ngumiti sa'kin.

Alam na niya ang tungkol sa paglala ng kondisyon ko. Siguro namomroblema na sila ngayon kung saan kukuha ng pera para ipagpatuloy pa ang treatments ko.

Bigla akong nanlumo at tila ba naramdaman ko na ang bigat ng aking katawan. Nagpaalam ako sa kanila at pumasok na sa kwarto.

Hindi man nila sinasabi pero alam kong nahihirapan na rin sila sa sitwasyon ko. Hindi ko naman maiwasang isipin kung problema lang ba ang dala ko sa kanila.

Puros na lang problema.

Hindi na matapos tapos. Dumagdag pa iyon nang lumala ang kondisyon ko. Hindi ko naman alam kung saan ako nagkamali? Iniinom ko naman ang gamot ko sa tamang oras. Nagpapachemo naman ako kagaya ng sinabi nila, pero ginawa ko na laha't lahat hindi naman ako gumagaling. Sinasayang lang talaga nila ang pera nila para sa'kin.

Ano kaya ang magiging buhay namin kung sakaling wala akong karamdaman. Mahihirapan ba ako nang ganitong katindi? Iiyak ba ako gabi gabi dahil sa kaiisip kung bakit ba ako nagkaganito? Lalong lalo na, magkakabalikan ba kami ni Elie kung sakali? Magiging masaya ba ako sa kanya?

Napabangon ako. Kung iisipin hindi tulad ngayon ang mangyayari. Even if I do love him then, I don't think I would choose to go back. Bumigay lang ako ngayon because I am that desperate to be with him and to be happy.

Hindi ko namalayan na meroon nang tumulong luha sa aking pisngi, pero kahit na umiiyak ako ay may gumuhit pa ring ngiti sa aking labi.

Why do I have to feel this way? I think we're destined to be hurt, Elie.

Napalingon ako sa aking phone, nasa isip ko nang sabihin sa kanya. Kahit ano pang gawin ko, masasaktan at masasaktan ko siya.

Nanlamig ang aking mga kamay at halos manginig na rin iyon nang i-dial ko ang number niya. It rang and then it stopped.

Sinubukan ko ulit pero busy na ang linya. Mapait akong napangisi, is this how the universe is telling me na huwag ko na munang sabihin?

Sa halip na magmukmok at baka kung ano ano pa ang maisip ko ay nagbihis na lang ako at lumabas ng kwarto.

"Gel, iniisip ko. Kung magpa-confine ka na," bungad sa'kin ni Mama.

"Ma? Kaya ko pa naman, nakapaglalakad pa naman ako. Sayang na naman 'yan sa pera lalo na't hindi stable ang trabaho ni Papa, at kayo naman. . ." Hindi ko naituloy ang sasabihin.

Love in SyncTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon