Kabanata 21

39 4 0
                                    

Kabanata 21

"Pwede akong sumama?"

"Bawal!" agad na pagtanggi ni Elie sa kanyang kapatid.

Natawa naman ako, "May inuman doon, Alanzo. Hindi ka namin mauuwi kung malalasing ka," biro ko naman.

"Paano naman kayo makauuwi kung magpapakalasing kayo?"

"Hindi ako iinom," wika ko naman sabay suot sa aking sapatos.

"Hindi na rin ako iinom. Hindi mo naman makakayanan si Kuya kung malalasing din 'yan."

"Hindi naman ako iinom nang marami, kasama ko si Gel pauwi."

Napangiwi si Alanzo, "Sama na ako," pagpilit pa niya.

"May klase ka bukas, Alanzo. Huwag ka na ngang makulit," kunot noong sabi ni Elie.

Ngumuso pa sa'kin si Alanzo, I gave him an apologetic smile. Agad namang tumayo si Arci nang makalabas kami.

"Tara na," anyaya ni Arci.

"Sama ako, Ate Arci!" pagpipilit pa ni Alanzo.

"May klase ka pa nga bukas." Ramdam ko na ang inis sa boses ni Elie.

"May trabaho ka naman, Kuya. Hindi na nga ako iinom."

"Anong gagawin mo roon?"

"Tambay."

"Psh."

"Pwede naman sumama si Alanzo," pagtanggol naman ni Arci.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Elie ngunit kumibit balikat lang 'yong una tsaka ngumisi, nagawa pa niyang kindatan si Alanzo.

"Kinunsinti mo pa!"

"Kahit ako pa magbantay rito. Kung malasing ka lang talaga Alanzo mag-isa kang uuwi," banta pa ni Arci sabay ngisi.

"Sige!"

Natawa na lang kami habang hindi naman ma-drawing ang mukha ni Elie. Wala naman siyang nagawa pa roon at nagpaalam na lang kay Tita.

Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang excitement sa kalooban ko. I want to see my friends again. Gusto ko pa silang makasama nang mas matagal, just this night, sana naman makisama ang aking sistema.

Hindi ko na talaga maiwasang papasukin ang mga nakalalasong ideya sa'king isip. There's so much reasons to be hopeless yet I found hope, kahit gaano pa 'yan kaliit, sa mga taong kasama ko ngayon sa kotse.

Nang paakyat na kami sa rooftop gamit ang stairwell ay nagpapahuli kami ni Arci dahil mabilis na akong mahingal.

Nang makalabas kami sa rooftop ay pansin kong kami kami lang ang naroon.

"Hello, hello!" agad na bungad sa'min ni Nia at agad na niyakap ako, sunod naman si Arci.

"Hi Nia!"

"Ang daya niyong dalawa!" tukoy niya sa'min ni Elie.

"Bakit?"

"Sabi ko sa inyong bisitahin niyo ko kung may practice kayo sa Eastview pero isang beses lang kayong bumisita."

Natawa si Elie, "Busy rin naman kami, Nia. Saka dumagdag pa 'yong tuturuan namin kaya wala nang oras," paliwanag ni Elie.

"Hmm. Kasama niyo pala si Alanzo, bawal ka uminom ngayon." Tawa pa ni Nia bago igiya kami sa lamesang naset-up nila rito sa taas.

"Musta, pre. Siguro naman hindi ka na magtatangkang tumalon ngayon dahil andyan na si Gel," biro pa ni Preston.

Sabay naman namin siyang binigyan ng masamang tingin dahil sa hindi magandang biro.

Love in SyncTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon