Kabanata 28
Kahit na alam kong wala naman akong magagawa sa studio ay pinipilit ko pa rin si Elie na samahan ako papunta roon. Hindi pa rin talaga pumapayag si Mama na lumabas ako ng bahay nang mag-isa.
Pero tila ginagaya ni Elie si Mama at nagiging istrikto na rin sa'kin.
"Sige na, Elie. Samahan mo na ako, kahit libre ko pa pamasahe mo."
Hinihila ko na siya patayo pero sadyang ayaw niya. Mukha akong bata na pinipilit ang magulang, kulang na lang ay magdabog ako rito at mambato ng mga gamit.
Ilang sandali pa ay binawi niya ang kanyang kamay.
"Wala akong interes sa libre mo, may sarili akong pera," seryoso niyang sabi pero halata namang pinipigilan lang niya na mapangiti.
Napanguso ako at hinila ulit siya pero ngayon ay agad siyang tumayo.
"Mapapagod ka sa kahihila sa'kin."
"Punta na kasi tayo roon. Ano bang balak mo rito sa bahay, wala ka namang ginagawa."
"Wala ka rin namang gagawin roon, mas mabuting magpahinga ka na lang rito."
"Ikaw na nagsabi na wala akong gagawin doon kaya hindi naman ako mapapagod," depensa ko pa at napaupo na lang.
"Kumain ka muna rito, kakaunti no'ng kinain mo kanina," aniya at naglakad na papuntang kusina.
Napabagsak naman ako ng balikat, iyon ba ang kailangan kong gawin para mapapayag lang siya?
Umirap lang ako at sumunod sa kanya, ang bibigat nga ng mga yabag ko animo'y nagdadabog at binagsak ko rin ang sarili ko sa upuan. Siya naman ay nakangisi lang habang hinahanda 'yong pagkain.
"Time of the month ba?" biro pa niya.
"Tch." Napangiwi lang ako at kinuha 'yong plato ng pansit na binili niya kanina sa labas. Maga-alas dos na, ano pa ba ang maaabutan namin sa studio kung ang tagal pumayag ni Elie. "Pupunta tayo roon?" umaasang tanong ko.
"Ubusin mo muna 'yan."
"Ang dami nito."
"Kakaunti lang naman niyan, Gel. Sige na, magbibihis na ako." Iniwan na niya ako.
Napanguso na lang ako sa harap no'ng pansit at umirap bago iyon kainin. Sakto naman ang pagbalik ni Elie dahil naubos ko na iyon.
"Pinakain mo ba sa pusa?" takang tanong niya pero halata roon ang pagbibiro. Sinamaan ko lang siya ng tingin at tumayo na. "Pati yata paminta kinain mo na, simot na simot. Kailangan pa ba 'to hugasan?"
"Magbibihis na ako," pagbabalewala ko sa mga biro niya.
"Nabusog ka ba? Baka gusto mo pa."
"Huwag na."
Pero kung tutuusin ay gutom nga ako, hindi na normal ang pagkain ko, minsan ay isang beses na lang sa isang araw, at nasusuka ko pa iyon. Hindi ko nga alam kung saan pa ba kumukuha ang katawan ko ng lakas.
Naabutan naman namin sila Nate sa studio na nagtuturo ng sayaw sa mga kasama nilang lalaki, nasa kabilang side naman si Eunice at kasama niya iyong mga babae. Agad naman sumilay ang ngiti sa aking mukha nang makita iyon.
"Sasali ka ba sa kanila?" tanong ko kay Elie nang umupo sa sahig, nag indian sit lang kami at mukhang hindi pa kami napapansin nila Nate.
"Kasama ka ba?" umiling ako. Gusto ko sana, kahit isang performance na lang, pero makasasama na iyon sa akin. "Parati tayong magkasabay sa pagsayaw, Gel. Hindi 'yon magbabago."
BINABASA MO ANG
Love in Sync
RomanceGeliana, the Doña of folk dance and social dances of Eastview, has to fight for her life while keeping it a secret, in order to protect the people around her. ============================================================================== Geliana Ivy...