Kabanata 18
"Tapos na Donya 'yong mga costumes. Natapos na rin namin 'yong sa dance club ni Mamsh," pagbibigay alam sa'min ni Raquel nang tumawag siya sa'kin.
"Salamat, Raquel. I-inform ko na lang sila Raea na kunin na lang nila."
"Bukas tapos na 'to balutin."
"Salamat!" Kinuha naman agad ni Elie ang kamay ko nang binaba ko na 'yong tawag.
"Ano raw?" tanong niya sa'kin habang pinaglalaruan ang aking mga daliri.
"Tapos na raw 'yong mga costumes."
"Ayos! Sa Friday dress rehearsal na tayo."
"Kailangan din natin mag practice sa gym sa Eastview. Kailangan pa natin mag blocking."
"May one week pa tayo, Gel. Kaya 'yan." Hinalikan niya ang kamay ko habang nakatingin sa'kin, napangiti na lang ako.
Natigil na lang kami sa paglalakad nang makarating na kami sa bahay.
"Dito ka na kumain," alok ko pa sa kanya.
"Andyan na ba si Tita?" tanong niya habang nakatingin sa bahay namin na ngayo'y bukas na ang ilaw sa loob.
"Kanina pang umaga, hindi mo na nakita, nagpapahinga," paliwanag ko pa.
"Nakahihiya naman kay Tita."
"Tch kailan pa nangyari 'yon, tara na." I grabbed his arm at natatawang nagpatangay naman siya sa'kin.
I shouldn't be using my strength at all today dahil katatapos ko lang magpa-chemo kaninang umaga.
"Gabi na kayo nakauwi ah?"
"Ang bagal po kasi maglakad ni Gel," pabirong sabi ni Elie ngunit totoo naman iyon. Nagkatitigan pa kami ni Mama pero umiling lang ako.
"Ma dito na lang kakain si Elie," pagbibigay alam ko. Hiningi na ni Elie sa'kin ang bag ko, at sinabay na niya iyong ilagay sa sofa.
"Oo, ayos lang. Gabi na rin, e, ayos lang naman kung dito ka na rin matulog Elie."
"Sa susunod na lang po Tita. Walang alam sila Mama, next time dadala na lang ako ng mga damit," tawa pa ni Elie.
Tinulungan ko na lang si Mama sa paghanda ng pagkain.
"Ayos ka lang ba, Gel?" bulong sa'kin ni Mama habang sumasandok ng sabaw.
"Oo naman, bakit?"
"Namumutla ka," rinig ko na naman ang pag-aalala niya sa kanyang boses.
Napatingin naman ako sa aking mga kamay at braso pero wala naman akong nakitang kakaiba roon. Nilabas ko ang aking phone at binuksan ang camera.
Nagulat ako nang makitang parang nawalan ng dugo ang aking mukha. Tumikhim ako at tinago muli ang aking phone.
"Pagod lang yata, Ma," Biglang lumiit naman ang boses ko nang sinabi ko iyon.
"Inumin mo na ang gamot mo mamaya." Tumango na lang ako at dinala na ang mga plato sa lamesa kung saan naabutan ko si Elie na naglalagay ng mga place mats.
Napangiti na lang ulit ako at binigay sa kanya ang mga plato na hiningi niya.
"Kumusta na 'yong mga estudyante niyo kay Mhel?"
"Naku, Tita. Napakakulit!" reklamo ni Elie sabay pa ng pagme-make face, "Sayang hindi dumalaw si Mamsh kanina sa practice, halos hindi na sumunod sa'min."
"Alam mo naman ang mga kabataan ngayon, nagmamarunong kung minsan," pag-iintindi ni Mama.
"Hindi naman yata 'yon pagmamarunong, pang-aabuso na," ani ko.
BINABASA MO ANG
Love in Sync
RomanceGeliana, the Doña of folk dance and social dances of Eastview, has to fight for her life while keeping it a secret, in order to protect the people around her. ============================================================================== Geliana Ivy...