Kabanata 22

33 2 0
                                    

Kabanata 22

Buong byahe papunta sa address na binigay sa'kin ni Nate ay animo'y meroon kaming napagkasunduan ni Elie na walang magsaalita.

Hindi ko alam kung mali ba 'yong pagtatanong ko kung sino ang kanyang katawagan o sadyang nabigla lang si Elie sa tanong at hindi na alam kung ano ang sasabihin.

May karapatan din naman akong magtanong, 'di ba?

Napailing na lang ako sa naisip ko. I have to understand na may choice naman siyang sagutin o hindi ang tanong ko.

Habang nagtatalo ang isip ko ay bigla na lang nilapit sa'kin ni Elie ang kanyang phone.

Naguguluhang napalingon naman ako kay Elie. Pinapakita ng phone niya ang kanyang phone calls.

"Bakit?"

"Sagot sa tanong mo kanina," malamig niyang sabi.

Nang mapagtanto kung ano ang ibig niyang sabihin ay napasulyap ulit ako sa kanyang phone at nakalagay roon ang pangalan ni Cleo. Halos lahat na nga lang ng pangalan doon ay kay Cleo.

Ngunit isang tawag lang ang kanyang sinagot, 'yong kaninang tawag. 'Yong nauna pa roon ay puros missed calls na lang.

Tumango na lang ako at binalik sa kanya ang phone. Tamang tama naman at pababa na kami ng jeep.

"Gel," maingat niyang pagtawag sa akin pagkatapos ang malalim na buntong hininga.

"Hmm? Bakit?"

Hindi ko naman siya mabalingan dahil hindi ko alam kung saan ba 'yong tinutukoy ni Nate. Hindi ako magaling sa directions, minsan lang naman akong umalis ng bahay.

"I'm sorry." Tila ba nabingi ako, agad naman akong napalingon sa kanya.

"B-Bakit?"

Hindi ko naman maisip kung anong ginawa niyang mali para mag sorry siya sa'kin ngayon. Hindi ko na tuloy maiwasang mapaisip kung meron nga ba. Tungkol ba 'yon sa'kin?

"Sinagot ko 'yong tawag."

My forehead creased.

"Wala na 'yon sa'kin, Elie. Bakit? Ano bang pinag-usapan niyo at nags-sorry ka sa'kin ngayon?"

Hindi ko naman kasi maisip kung ano ang kasalanan niya sa'kin ngayon. May napag-usapan ba sila ni Cleo na ikasasakit ko? Meron bang mali sa pagtatanong ko sa kanilang pinag-usapan?

Sa sobrang pag-iisip nang kung ano ano ay kinabahan na ako. Hindi ko alam kung ano ang mali. Baka ako pa pala ang may kasalanan wala naman ako kaalam-alam.

Kung iisipin, pinayagan ko naman talaga si Elie na kausapin si Cleo. Pero bakit ko iniisip ngayon na baka may pinag-usapan sila na tungkol sa'kin at tungkol sa kanila.

"Sinagot ko lang naman ang tawag para patigilin siya," pagpapaliwanag niya at hinawakan ang makabilaang braso ko at pilit na hinuhuli ang aking paningin.

Matamlay akong ngumiti at tumango na lang kahit hindi pa rin nawawala ang kaba ko.

"Hindi pa rin kayo nag-uusap?"

"Hindi."

I nodded.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na hindi niya kinakausap si Cleo o hindi dahil kailangan din naman nila mag-usap.

Isang buntong hininga ulit ang napakawalan ko at nagsimula na sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang maliit na building na pinagigitnaan ng dalawang matangkad na office building.

Love in SyncTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon