Kabanata 27
Parati kong sinasabi sa sarili ko, I'll tell them eventually, but I keep on stalling. Ngayong lumala na ang kondisyon ko ay saka ko pa lang sasabihin.
One thing is always on my mind – ayaw ko silang mahirapan sa katotohanan na iyon. I'm always scared with their reactions at sa kung ano man ang iisipin nila. Parang pabigat lang ako.
Huminga ako nang malalim at kumuha ng tubig sa kusina.
"Nasa studio ba sila Nate ngayon?"
Tanong ko kay Elie na nakaupo sa sofa. Kagagaling pa lang niya sa trabaho ni hindi pa nga nakapagbibihis.
"Oo. Halos hindi na nga nila tinitigilan ang pag-aayos ng studio."
"Malapit na ba matapos?"
"Oo, malapit na 'yon. Hindi ko pa nga natatapos 'yong pintura, pero malapit na. Andun naman si Preston para ipagpatuloy iyon."
"Punta tayo," anyaya ko pa na nakapagawang makapagpatigil sa kanya. "Bakit?"
"Bawal kang mapagod, 'di ba?"
"Hindi naman ako magpapagod. Gusto ko lang naman makita kung ano na ang nangyayari roon. Hindi ka na ba pumupunta roon?"
"Simula no'ng bumalik ka, hindi na." Napanguso ako at lumapit sa kanya. Hindi na ako nahirapang hilain siya patayo nang kusa na niya iyong ginawa.
"Magbihis ka na. Punta tayo roon."
"Sigurado ka ba?"
"Kung ayaw mo ako na lang mag-isa pupunta."
"Eto na eto na. Pwede pa ba ako maligo kahit saglit lang?" Ngumisi pa siya at pumasok na sa kwarto.
Habang nasa byahe ay tinext-an ko na si Arci na papunta kaming studio kung sakaling gusto niyang sumama.
"Anong plano mo?"
Napatingin ako sa kanya nang hinawakan niya ang aking kamay.
"Sasabihin sa kanila, k-kung kaya ko."
Tinitigan niya ako saka ngumiti, humigpit din ang hawak niya sa'kin.
Akala ko magiging ayos na ako, pero nang makarating na kami sa tapat ng studio ay parang nanigas ang katawan ko. Napatingin sa'kin si Elie nang manlamig ang aking kamay.
"Kaibigan natin sila, Gel. Maiintindihan nila, kagaya ko."
"Iba ka, Elie," tulalang ani ko narinig ko naman siyang ngumisi.
"Kaibigan pa rin natin sila."
Ilang sandali pa kami nakatayo sa labas. Hindi naman ako minamadali ni Elie na pumasok, naging tahimik lang siya at hinintay akong maglakad.
Huminga ako nang malalim at humakbang na papasok. Agad naman sumalubong sa'kin ang maliwanag na dance studio.
Meroon nang maliliwanag na ilaw sa gitna at gilid, may malalaking mirrors na rin sa kaliwang bahagi ng studio at may bars naman sa dulo. Meroon na ding kaunting furniture. May desk malapit sa pinto at may mukhang delivery man na nakatayo roon naghihintay na mapansin siya ng mga tao rito.
Mas lumiwanag naman ang lugar dahil sa puting pintura. May disenyo 'yong mga pader ngunit napakalight lang iyon, hindi gaano nakaaagaw ng pansin, halos hindi mo nga mahahalata sa unang tingin. Pero kung titingnang mabuti ay maganda ang naging abstract pattern noon. Hindi pa nga lang tapos.
"Sorry, Kuya, naghintay ka pa. Medyo busy din kasi." Kinuha na ni Nate ang order nila at doon na niya kami napansin. "Gel, andito pala kayo."
"Ilang araw lang ang dami na agad nangyari," nakangiting ani ko.
BINABASA MO ANG
Love in Sync
RomanceGeliana, the Doña of folk dance and social dances of Eastview, has to fight for her life while keeping it a secret, in order to protect the people around her. ============================================================================== Geliana Ivy...