Simula
Halos bumagyo na sa labas ng gym pero tila wala kaming pakialam. Tila nakikipagkumpetensya ang sound system namin sa lakas ng kulog sa labas. Isabay mo pa ang mga tawanan at hiyawan namin para lang suportahan ang mga sayaw ng mga kasama namin.
"Paano ba 'yan?" natatawang tanong ni Elie sabay lapit sa mga kasamahan namin na sumasayaw sa gitna ng hip hop.
"Go, Elie!" sigaw ko sabay palakpak.
Stranded kami ngayon sa gym dahil naabutan kami ng malakas na ulan. Wala naman kaming mga sundo at sariling mga sasakyan kaya nag decide na lang kaming hintaying tumila. Buti naman at hindi nawalan ng kuryente kaya't narito kami ngayon at nagsasaya.
Halos mapunit na ang mukha ko kangingiti habang pinapanood si Elie na inaaral ang sayaw ng mga naghi-hip hop.
We were seated in a circle, at kung sino ang gustong sumayaw ay nasa gitna. Grupo grupo rin kami base sa mga category ng sayaw, there's folk dance, hip hop, contemporary, ballet, at marami pang iba. Kaunti lang naman ang mga members bawat category at 'yong iba dala-dalawa pa ang sinasalihan kaya kaunti lang din kami rito.
Elie signaled Nate to play the song kaya nagsimula na rin silang sumayaw. Napangiti na lang ako nang nakuha niya lahat ng steps given that he's not into hip hop.
We're both been in folk dance and social dances ever since high school, at hanggang ngayon ay kami pa rin ang partners sa mga sayaw.
Nang magtuloy ang dance performance nila ay hindi ko maiwasang mapatitig, mas lalo siyang gumwapo sa mga steps na ginagawa nila. Ang swabe ng mga galaw isama mo pa ang mga facial expressions niya.
I was clapping my hands nang biglang lumapit si Elie sa akin. Natigilan ako at nanlalaki ang mga mata nang ilahad niya ang kanyang kamay sa harapan ko. Matunog namang nagsitilian ang mga kasama namin at sumisigaw ng kung ano ano.
Natawa na lang ako at tinanggap iyon. He helped me stand up at nagulat naman ako nang biglang nagbago ang music. Dinala niya ako sa gitna at ngayon ko lang napansin na kaming dalawa na lang ang natirang nakatayo.
"Anong trip na naman ba 'to, Elie?"
"Just follow my lead," nakangising aniya.
Napailing na lang ako at sinunod siya. It was just a normal waltz at halos libutin namin 'yong circle. I was smiling throughout the dance hanggang sa matapos. We gave them our signature bow bago natatawang umupo ulit.
Naupo ako sa gitna ng mga hita ni Elie habang nasa likod ko siya. Tuloy pa rin sa pagsasayaw ang mga kasama namin habang kami ay meroon na namang sariling mundo.
"Gusto mong kumain tayo pag tumila na ang ulan?" tanong niya sa'kin habang iniipitan ako ng buhok.
"Marami pa akong gagawin, malapit na rin ang finals. Hindi ka ba nag-aaral?" Nginiwian ko siya at hinarap nang maayos.
"H-Hindi pa."
"Ayan! Paano ka niyan makapapasa. Dream course mo na nga ang tine-take mo hindi mo pa sineseryoso." Mahinang pinalo ko siya sa braso bago tumalikod ulit.
I heard him chuckle at hinawakan ang magkabilaang braso ko. Sinilip niya ang mukha ko na nakangisi.
"Hatid na lang kita sa inyo. Don't worry, mag-aaral na ako, gusto mo sabay pa tayo." Napailing na lang ako at pinigilang mapangiti.
We have a happy stable relationship. Tumagal kami hanggang college which surprised me dahil marami akong kilala na hindi umabot sa college ang mga relasyon na nagsimula sa high school. We were happy, content, and in love.
Akala ko talaga tatagal kami hanggang dulo, ako lang pala ang nag-iisip non.
"Anong nangyari sa'yo, Gel?"
Halos hindi na ako makakita dahil sa pagkamugto ng aking mga mata. I didn't want to see anyone at the time, parang nasira buong mundo ko.
"Buksan mo naman 'tong pinto. Geliana!"
Sigaw nang sigaw si Arci sa labas ng kwarto ko pero hindi ko magawang pagbuksan. Alam ko naman na ang mga sasabihin niya. Hindi niya ako pagagalitan pero kung ano ano naman ang sasabihin niya tungkol kay Elie.
Nagulat na lang ako nang magawa niyang buksan 'yong pinto. Pinilit niya akong tumayo galing sa sahig at agad akong niyakap. I can't help but to sob. Napahagulgol ako sa kanya dahil hindi ko makayanan ang sakit.
"Bakit naging ganito, Arci?" Halos hindi na ako makasalita nang maayos dahil sa mga hagulgol. "Hindi ko man lang napansin na nawawala na pala siya sa'kin. Sana– sana may nagawa man lang ako para mapanatili siya."
"Wala kang kasalanan, kailan pa naging kasalanan ang magmahal. Wala ka ring pagkukulang, siya ang nakulangan at hindi mo na 'yon kasalanan."
Napaiyak na lang ulit ako. Hindi ko pa rin maisip na nawala na lang si Elie sa'kin bigla. Masaya naman kami, ang ganda na ng naging relasyon namin, bakit naging ganito. Hindi ko maisip kung ano ba ang mangyayari sa'kin ngayong wala na siya. Sinanay na niya ako na nandyan siya, he assured me that he'll always be there for me.
Asan ka ngayon?!
"Arci, please, huwag na natin 'to gawin. Umuwi na lang tayo," pagpilit ko kay Arci habang papaakyat kami sa rooftop.
"Ayaw mo bang malaman kung bakit niya 'yon ginawa?" Kunot noong tanong ni Arci. Halata ang galit sa kanyang mukha.
"Ano pa bang dahilan? Ginawa niya 'yon dahil ginusto niya. Anong laban ko sa gusto niya, wala na akong magagawa roon."
I can't help but to cry again. Wala na akong ginawa kundi ang umiyak. Masyadong masakit, minsan napapaisip na lang ako kung kakayanin ko pa ba 'tong sakit.
"Pwes ako ang kakausap sa kanya," determinadong ani Arci at hinila na ako papuntang rooftop.
I didn't want to see him. Hangga't maari ayaw ko siyang makita dahil pinapaalala na naman sa'kin ang ginawa niya, at walang nagawa 'yon kundi paiyakin ako.
Kung makikita ko siya ngayon, ang tanging maiisip ko lang ay kung paano niya 'yon nagawa sa'kin. Hindi ko rin maintindihan kung matatanggap ko ba na mawala siya sa buhay ko pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan namin. Hindi ko maiwasang isipin, kung makita ko siya ngayon ay hindi na tulad ng dati.
Agad akong natigilan nang sa malayo pa lang ay kitang kita ko na siya. Hindi na ako pinilit pa ni Arci na lumapit at sinugod na niya si Elie. Mula rito sa kinatatayuan ko, rinig na rinig ko ang pinag-uusapan nila.
"Gago ka, Elie! Kailan mo pa ba tinatago kay Gel na may iba ka? How low can you go?! Pitong taon nang kayo, nakalimutan mo na ba 'yon?"
Napagitla pa ako nang magawang sampalin ni Arci si Elie. My lips trembled and my throat already hurts just to prevent myself from crying again. Hindi ko mapigilan. Tuloy tuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko at gusto ko na lang umalis dito.
I don't want him to see me like this but it's too late. Napako na sa'kin ang kanyang paningin.
"Gel, I'm sorry. Pag-usapan naman natin 'to."
Napailing lang ako, I don't want to open my mouth because I'm scared of what I'll say. Nang hindi ko na matagalan ang sitwasyon ay tumakbo na ako paalis. Rinig na rinig ko pa ang paghabol nila sa'kin but I just hid on the stairwell at napahagulgol.
"Huwag na huwag mo nang lalapitan ang kaibigan ko. Malilintikan ka sa'kin, Elie. Ang kapal ng mukha mong gago ka!"
Hindi ko na inintindi ang mga banta ni Arci at napangawa na lang ako sa hagdan. Nanghihina na buong katawan ko at gusto ko na lang isigaw ang mga problema ko para mawala.
I've spent months rebuilding myself. Trying to move on was a trip to hell. Pinagdudahan ko pa ang sarili ko kung kakayanin ko bang kalimutan siya at mag move on na lang.
Ngunit nang binigyan ako ng tadhana ng ibang pagkakaabalahan, hindi ko alam kung pasasalamatan ko ba siya o mas lalong panghihinaan ng loob.
BINABASA MO ANG
Love in Sync
RomanceGeliana, the Doña of folk dance and social dances of Eastview, has to fight for her life while keeping it a secret, in order to protect the people around her. ============================================================================== Geliana Ivy...