Kabanata 1
"Please, don't tell me you're thinking of jumping off." I was caught off guard when Nate spoke, nakamasid lang ako sa dumaraming mga ilaw mula sa baba, kasabay ng pagdama sa lumalamig na simoy ng hangin.
"Hindi ko 'yon iniisip," wala sa sariling wika ko habang nakahilig ang parehong braso sa railings.
Nasa rooftop kami ngayon ng mataas na building, it's supposed to be a lookout point for the city, he just invited me here. Kailangan ko rin namang magpahangin.
Marami rami rin ang tao rito sa taas, may nakita pa akong grupo ng mga kalalakihan na nag-iinuman sa kanto at ibang tao pa na kumukuha ng mga litrato, it's a hangout place.
Parati kami narito noong college pa kami, minsan gusto ko na lang balikan ang lahat dahil 'yon naman lang ang magagawa ko.
"Iniisip mo pa rin ba siya?" tanong niya, agad na namang pumasok sa aking isipan ang samo't saring alaala na may kinalaman sa kanya. Napapikit na lang ako nang mariin, umaasang mawala iyon.
I promise babalik at babalik pa rin ako sa'yo kahit anong mangyari, kahit malayo ka, kahit may iba, I'll still love you.
Hindi ko maitatanggi na kahit papaano ay pinanghahawakan ko pa rin ang pangako niyang iyon, kahit na masakit, kahit na ang dami nang rason na hindi na dapat, kahit nakalimutan na niya ako, kahit wala nang halaga pa. Ngunit sa kabila noon ay gusto ko nang makalimot, masyado nang maraming bagay ang nasira dahil sa kanya, I want to let go and move on. I want to free myself.
"Mali ba?" Matamlay akong ngumiti sa kanya.
"Hindi naman, matagal tagal din kasi kayo. Seven years." Tumango tango siya habang nakatingin sa mga ilaw sa baba. "And two years is not enough to forget that. Sabi nga nila, the length it takes for a person to move on is half the time that you've been together."
"So, isang taon at kalahati pa ang kailangan ko?" I asked curiously, paniwalang paniwala sa kanyang sinabi.
He chuckled, "Maybe."
"Hindi na siguro aabot," I jokingly said.
"Wow, are you saying you can forget him before that?"
"Siguro, bahala na." Natawa ako sa aking sinabi.
"Iba 'yan, Gel, huh."
Parehas kaming natigilan nang may tumili na mga babae. Ganon na lang ang aming gulat nang makita ang isang lalaki na nakatayo sa ledge.
Isa siya sa mga lalaking nag-iinuman kanina at mukhang lasing na siya.
"Pre, bumaba ka nga riyan!" sigaw ng isa sa mga kasama niya na mukhang may tama na rin.
"I'm finally free, pre!" sigaw nong lalaking mukhang magpapakamatay. Nang humarap siya sa kinatatayuan namin ay roon ko lang nakita ang kanyang mukha. How can I not recognize him?
"Tadhana nga naman," rinig kong sabi ni Nate.
"This is not funny, Nate!" sita ko sa kanya.
Agad akong nataranta at hindi man lang alam kung ano ang gagawin. I tried to walk towards him but Nate pulled me away.
"Anong gagawin mo?"
"Hindi ko alam."
"Geliana, lasing siya. Hayaan mo na."
"What?! Tatalon 'yan dahil sa kalasingan niya!"
Pilit kong binawi ang aking braso sa pagkakahawak niya at sinubukang lumapit sa lalaki. Marami nang tao ang nakapalibot sa kanya, trying to calm him down and hoping for him to come down from the ledge.
BINABASA MO ANG
Love in Sync
RomanceGeliana, the Doña of folk dance and social dances of Eastview, has to fight for her life while keeping it a secret, in order to protect the people around her. ============================================================================== Geliana Ivy...