Kabanata 17

44 3 1
                                    

Kabanata 17

At the middle of the night, nagising ako, tila ba nagkatitigan ng kisame.

Sht.

'Yon ang una kong nabigkas sa aking isip.

I told myself not to hold back once he knows but fvck, bakit umabot nang ganito. Napabangon ako at pinaglaruan ang mga daliri.

He's still sleeping – topless at boxer shorts niya lang ang suot. Napasabunot ako sa aking buhok pilit na binibigyang linaw ang mga naiisip ko.

Why did I let myself lose control?

Niyakap ko ang aking mga binti at pinatong doon ang aking ulo, hindi ko alam kung paano na ako makababalik sa pagtulog nito.

Naramdaman ko ang paggalaw ng kama at bigla ay naramdaman ko ang mainit niyang hawak sa aking likod.

"Gel, bakit?" halos namamaos na niyang wika.

"Mali 'to, Elie." Matagal bago ko iyon naisatinig.

"Bakit sinasabi mo 'yan na parang ngayon lang natin 'yon ginawa?" I looked at him, parang maiiyak ako.

Puno ng pagkalito at lungkot ang nababasa ko sa kanyang mga mata, mas lalo naman akong nasaktan.

Umiling ako, "Iba 'yon. Hindi tayo, Elie," pagsusumamo ko, ramdam ko na ang pagbabara sa aking lalamunan.

"Edi maging tayo. Gel, hindi kita maintindihan, ano pa ba ang rason para hindi ulit maging tayo?" Napakagat na lang ako sa aking labi dahil ramdam ko na ang pag-iinit ng aking mga mata. "Hindi mo pa ba ako mahal sa mga ginagawa mo?"

"I love you."

I'm fvcked up. Sabay ng pagsalita ko ay ang pagtulo ng aking luha.

"Then why?"

"Ayaw kitang saktan." Umiling iling ako at halos mag-unahanan pababa ang mga luha. Ngayon ko na lang ulit naisip ang ganito, I don't want to hurt him.

"Hindi mo 'ko masasaktan, Gel. Tigilan mo na ang pagsasabi mo niyan, please. Kung masaktan mo man ako, sige, mamahalin pa rin kita. Nababaliw na ako dahil sa pagmamahal ko sa'yo. Kaya kong masaktan kahit ilang sakit pa, pagbigyan mo lang sana ako."

Mas lalo lang akong napailing. Umayos naman ng upo si Elie at hinarap ako. He tried to wipe away my tears ngunit tinataboy ko lang ang kanyang kamay.

"Gel," pagsusumamo niya.

"Masasaktan kita, Elie," my voice cracked as I said that. Hindi ko na nagawang ipagtabuyan ang kanyang kamay, na pilit na pinapalis ang aking luha, nang hulihin niya iyon.

"Kung masaktan mo man ako, edi tatanggapin ko, iyon na yata ang parusa ko sa nagawa ko sa'yo."

Hindi na ako nakasagot at binaon na lang ang aking ulo sa kanyang dibdib, patuloy na umiiyak. Ramdam ko naman ang kanyang mainit na yakap.

I told myself that I won't hold back anymore once he knows. Ngunit ang hirap pa rin, lalo na't bumalik na naman sa aking isip kung ano ang mangyayari kung hayaan ko ito.

"Gel, hindi na kita mapipilit kung ayaw mo ulit maging tayo, sapat na sa'king malaman na mahal mo ulit ako." Bumuntong hininga siya at naramdaman ko ang maingat niyang paghalik sa aking ulo.

"Hindi." Lumayo ako sa kanya with tear-stained face. "Alam kong nalilito ka sa mga sinasabi ko, natatakot lang talaga ako, Elie."

Hindi siya kumibo, I can feel his heavy breathing, wala pa siyang sinasabi.

"I'm sorry for picking my happiness this time. I really love you, Elie."

Kahit ngayon na lang, gusto kong maging masaya, and I'm trying to ignore the guilt that keeps on creeping up on me when I choose to be happy.

Love in SyncTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon