Kabanata 30

67 2 0
                                    

Kabanata 30

How can you say that you lived a great life?

Hindi ko inakalang aabot ako sa puntong matatakot ako sa bawat pagpikit ng mga mata ko. Paano kung hindi na ako magising? Paano kung naubos na nga ang oras ko pero hindi ko man lang magawang makapagpaalam sa mga mahal ko sa buhay.

Putek ang saya saya lang namin sa opening no'ng dance studio, ba't nangyari pa 'to. Ang saya saya ko na noon, why does the world have to ruin every happiness that I feel every time?!

Parati na lang napuputol, parati na lang may sagabal, hindi nakukumpleto ang isang araw na hindi pinapamukha ng mundo na hindi ako pwedeng sumaya. How I wanted to end it so badly, para hindi na ako mahirapan. But then, naiisip ko ang mga tao sa paligid ko. I just can't leave them. As much as I want to end this nightmare mas pipiliin kong lumaban.

Unti-unti kong naramdaman ang katawan ko, parang bigla akong nagkamalay sa matagal na pagkatulog. I can feel the weight of my body at ang lamig ng aking paligid. Sinubukan kong gumalaw pero tanging mga daliri ko lang ang nakayanang pagalawin ng lakas ko.

Biglang bumigat ang paghinga ko, tila ba nakaramdam ako ng panic nang hindi ko maigalaw ang aking katawan, kahit pagmulat ay hindi ko nagagawa nang maayos. My body felt numbed pero bigla kong naramdaman ang mainit na kamay na humawak sa aking kamay.

Sinubukan kong mamulat. Agad namang nagsalubong sa'kin ang maliwanag na ilaw kaya napapikit ulit ako. Nang masanay ang aking mga mata ay sumubok ulit ako. Tila pagod na pagod ang katawan ko sa gayong alam ko namang nakahiga na ako ngayon sa hospital bed.

Singkit ang mga mata, nilibot ko ang aking paningin. Blangkong mga dingding ang nakapalibot sa'kin, pero mas nabahala naman ako sa kung ano-ano ang nasa gilid ko. Nanlaki ang mga mata ko at balak sanang umupo pero hindi ko nakaya.

"You're fine, wala 'to," agad na agapay ni Elie. Halos mag panic na ako nang makita kung gaano karami ang mga tubo na nakakabit sa'kin, isa na roon ang tube ng oxygen na nakalagay sa aking ilong, marami ring mga machines ang nasa magkabilaang gilid ko. "Gising ka na." Nagpakawala siya ng malalim na hininga at hinalikan ang aking palad na puno na ng tape para roon sa IV.

He smiled widely at maingat akong niyakap. I doubted his smile. Halos manginig na ang kanyang labi nang ngumiti siya.

"B-Ba't a-ang..." Napangiwi na lang ako nang sumubok akong magsalita. May nararamdaman akong kirot kapag ginagawa ko iyon hindi ko naman maintindihan kung bakit.

"Huwag ka munang magsalita. Gel, save your strength." Kumunot ang aking noo.

Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyari. Ang naalala ko lang ay umatake na naman ang sakit ko noong patapos na 'yong program, sinugod nila ako sa ospital and then I blacked out. Wala na akong alam pagkatapos noon.

Kaming dalawa lang ang narito sa kwarto. Mas malaki itong kwarto sa normal, pansin ko pa ang isang TV na nakasabit sa kisami. 'Yong mga gamit ko ay naroon na sa ibabaw ng sofa. May mga cup noodles pa sa taas ng lamesa at mukhang hindi pa iyon tapos kainin.

"Inoperahan ka, Gel." Agad na nanlaki ang aking mga mata at tila bumilis ang aking paghinga. Napangiwi na naman ako nang bahagyang gumalaw ako. "Nakita ng doktor na kaya pa ng katawan mo kaya nagdesisyon siyang operahan ka to relieve symptoms. Para hindi ka na gaano atakihin. Nagdalawang isip pa sila Tita na pumayag dahil natatakot na baka kalagitnaan ng operasyon ay bumigay ang katawan mo. The operation was successful and we just needed to wait for you to wake up. Nasa isip na namin na baka hindi k-ka na... m-magising."

My heart sank when I saw tears in his eyes, pilit niya iyong pinipigilan but failing miserably. Hinilot niya pa ang kanyang mga mata at ngumiti sa'kin. My eyes are already foggy dahil sa pinapakita niya sa'kin, he's trying to look okay but I can see that he's not.

Love in SyncTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon