Eliezer Franco Artigas

123 6 0
                                    

Eliezer Franco Artigas

"The thing about sketch is that you won't know what will be the outcome unless you finish it. Marami pang pwedeng mangyari: you may decide to change the art style or you may opt to use a different material. What you have planned in your mind will not be the same when you start. Kaya 'yong ibang mga art pieces, the well-known ones aren't thought out, they were unexpected," paliwang 'yon ng prof namin.

Iyon ang tumatak sa aking isip nang mag graduate kami. Ang dami ko nang pinlano pero tila ba isa isa 'yon nagkawatak watak.

"Gago ka, Elie!" Sinugod ako ni Arci sa rooftop, nagawa pa niya akong sampalin nang pagkalakas pero hindi ko na 'yon nagawang pansinin. Mas abala ako sa kaisipang kasama niya si Gel na ngayo'y umiiyak na at dahil 'yon sa'kin.

"Gel, I'm sorry. Pag-usapan naman natin 'to." Iling lang ang nakuha ko sa kanya. Hindi siya nagsasalita at pulos pagluha lang ang nagawa niya. "Gel!" pagtawag ko nang tumakbo na siya palayo.

"Huwag na huwag mo nang lapitan ang kaibigan ko. Malilintikan ka sa'kin, Elie. Ang kapal ng mukha mong gago ka!" Nanlilisik ang matang dinuro pa ako ni Arci bago ako iwan.

"Pvtangina!" Napasabunot ako sa sarili ko dahil sa kagaguhan na ginawa ko.

Gusto ko mang sabihin na hindi ko sinasadya pero alam ko namang walang kwentang rason 'yon. Sana hindi ko pinagpatuloy ang pagkikita namin ni Cleo, sana nakuntento na lang ako sa kung anong meron ako at sana hindi nawala sa'kin 'yong babaeng pinakamamahal ko.

Ang tanga tanga ko! Paano ko pa 'yon mababawi? Paano ko hinayaan ang sarili kong matukso?! Tangna!

"Kuya naman! Sinabi ko naman sa'yo na tigilan mo na 'yong babaeng 'yon! Akala ko ba magkaibigan lang kayo?! Paano mo 'yon nagawa kay Ate Geliana?!"

"Eliezer, hindi kita pinalaking ganyan! Hindi ka man lang nahiya sa pamilya ni Geliana. Niloko mo ang anak nila."

Iyon ang sumalubong sa'kin sa bahay. Halos patayin na ako ni Alanzo sa tingin.

Hinahanapan ko ng rason ang sarili ko kung bakit ko nga ba 'yon nagawa. Natukso ba ako? Kinulangan ba ako? Anong nagtulak sa'kin para magloko? Paano ko 'yon nagawa sa kanya?

Hindi ko man lang siya naisip sa mga panahong kasama ko si Cleo, tila ba nablangko ang isip ko at walang inalala. Paano ko nagawang kalimutan siya sa mga panahon na 'yon?

"You fvcking cheater!" I clenched my jaw nang sapakin ako ni Nate, napahawak pa ako roon nang maramdaman ang sakit. Gaganti na sana ako nang pigilan ako ni Alanzo.

"Alam ko kung anong ginawa ko. Pinagsisisihan ko na! Huwag mo nang ulitin!"

"Uulit-ulitin ko hanggang sa hindi ka lubayan ng konsensya mo! Alam mo ba kung anong nangyayari kay Gel?! Hindi na makausap nila Tita, hindi na kumakain! Ayaw kong makialam sa inyo, Eliezer, pero sobra naman yata ang ginawa mo sa kanya!"

"Galit ba siya sa'kin?"

"Sinong hindi?! Ano bang iniisip mo, Eliezer! Seven years! Tinapon mo lahat nang 'yon para saan?!"

"Hindi ko alam kung galit ka ba o masaya. May chance ka nang makuha siya, Nate, 'yon naman ang hinihintay mo 'di ba? Wala na kami."

Napailing siya at ginalaw galaw ang panga. "Hindi na kita kilala, Elie. Hindi ko 'yon magagawa kay, Gel."

"Nagbago ka na pala." I smirked at napailing na lang, "Asan na 'yong, Nate, na parating nagloloko? Na palipat lipat ng babae dahil lang hindi niya makuha si Gel?"

Akmang sasapakin na naman niya ako pero pumagitna na sa'min si Alanzo.

"Kuya Nate, tama na nga 'yan. Magagalit na naman nito si Mama."

Love in SyncTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon