Kabanata 2
"Alam mo kung ano ang mga bawal sa'yo, ha? Gel, umayos ka."
Pinipigilan ko na lang na mapabuntong hininga karirinig sa mga parangal ni Mama.
"Huwag ka pong mag-alala, Tita. Babantayan ko si Gel, saka hayaan niyo naman pong umalis siya rito sa bahay, ang lungkot lungkot kayang mag-isa rito," pagtanggol naman sa'kin ni Arci.
Napabuntong hininga si Mama at tumingin sa'kin, puno pa rin ng pag-aalala.
"Ma, walang mangyayari sa'kin."
"Oo nga po, Tita," pagsang-ayun sa'kin ni Arci, pareho na kami ngayong nakangiti, umaasang pumayag si Mama.
Mama heaved a sigh before nodding, "Mag-iingat kayo Geliana, Arcilla."
"Haluh, sinabi na 'yong buong pangalan natin," bulong sa'kin ni Arci saka natawa. "Opo, Tita. Sige po, byee!" paalam ni Arci at hinila na ako palabas ng bahay kung saan naghihintay ang kanyang kotse.
Parati niya akong sinusundo para mapanatag si Mama, hindi ako pwedeng umalis ng bahay na walang kasama.
"Hanggang anong oras ba tayo roon?" Maggagabi na kasi ang pinili nilang oras para sa reunion na 'to.
"Hindi ko alam. Alam mo naman sila baka nga may inuman pa roon kaya party until we drop siguro." Humagikhik siya at pinabilisan ang pagtakbo ng kotse.
"Ihahatid mo pa ako pauwi, Arci. Huwag ka naman sana magpakalasing."
"Alam ko naman 'yon 'no! Mga kalahating bote lang." Tumawa siya muli.
"Arci." Napahilot ako sa sentido dahil sa sinabi niya. I don't want her to be driving drunk. Ayaw ko pang mamatay!
How ironic.
Nang makarating na kami sa tapat ng building ay agad na ako lumabas. Mabilis namang natigilan nang hinarangan ako ni Arci.
"Bakit?" I tilted my head.
"Let's wait for a while," wika niya sabay tingin sa kanyang relo.
"Ano bang hinihintay natin?"
"Wala naman."
"Bakit hindi na lang tayo tumuloy? Aakyat pa tayo oh," I stated sabay turo sa napakataas na building sa harap namin.
The elevator of the building doesn't reach the rooftop tumitigil iyon sa third to the last floor kaya kailangang gamitin ang stairwell.
"Okay, now we're fashionably late," maarteng aniya at hinila na ako papasok. I rolled my eyes sa kanyang dahilan, napakaarte talaga, bagay mag artista.
Nakahinga ako nang maluwag nang salubungin ako ng malamig na hangin sa taas. Binuksan pa nang pagkalaki ni Arci ang pinto papunta ng rooftop para lang makaraan kami.
Nang nilibot ko ang aking paningin ay agad iyon dumapo sa grupo ng mga taong matagal ko nang hindi nakasama.
"Arci! Gel!" Si Nia ang unang nakapansin sa'min. Nagkatinginan muna kami ni Arci at natawa bago lumapit sa kanila.
Agad kong napansin ang mga bote ng beer at iba pang mga alak. Pinagdugtong na rin nila ang mga lamesa na narito Mukhang nagsimula na nga silang mag-inuman dahil may kaunting laman na ang mga baso.
"Hi!! Long-time, no see! Musta naman ang pagiging full-time actress? Big time na big time ka na siguro ngayon," pagkumusta ni Nia kay Arci habang naupo naman ako sa tabi ni Nate.
Pilit kong hindi binabaling ang aking paningin sa banda nila Preston na alam kong nandon din si Elie na pakiramdam kong nakatingin na sa'kin.
"Oh, who's this?" tanong ni Arci sabay turo sa babaeng katabi ni Nate.
BINABASA MO ANG
Love in Sync
RomanceGeliana, the Doña of folk dance and social dances of Eastview, has to fight for her life while keeping it a secret, in order to protect the people around her. ============================================================================== Geliana Ivy...