Kabanata 16

58 2 34
                                    

Kabanata 16

Napatakip ako sa aking mukha, pilit na hindi pinapapasok ang imahe ng ginawa ko kanina.

I rolled on the bed, turning to him. Ang himbing ng tulog, dahil na rin siguro sa kalasingan.

Patay ka, Geliana. You've been caught. Hindi ko na maitatanggi ang nangyari kanina – ginantihan ko ang kanyang halik at aaminin kong nagustuhan ko 'yon. Am I going all in now?

Napakagat na lang ako sa aking labi habang pinagmamasdan ang kanyang mukha. Kaunting inayos ko pa ang kanyang buhok na gumugulo sa kanyang mata.

Hinding hindi ko na talaga 'to matatago, Elie. Ngunit napakahirap aminin iyon sa'yo. I'll let you figure it out; kung komprontahin mo man ako ay hindi ko na iyon itatanggi.

Mariin akong napapikit at napabuntong hininga na lang.

Nagising ulit ako at agad na napabangon nang maramdamang parang tinutusok ang aking tyan. Dahan dahan akong napaupo at napayakap sa aking mga binti. Hindi 'yon gaanong masakit, but it's still bothering me.

Mabilis akong napalingon kay Elie nang gumalaw siya. Mahimbing pa rin siyang natutulog kahit na nagpakita na ang araw.

Nilibot ko ang aking paningin sa kabuohan ng kwarto niya. Ilang beses na akong nakapunta rito at masasabi kong halos masaulo ko na ito, ngunit napakarami nang nagbago.

Iyong halos blangko niyang mga pader ay ngayo'y may mga pintura na na naglalaro ang mga kulay sa white at sa ibat ibang shades ng blue. Dumagdag na rin ang mga picture frames niyang nakasabit sa dingding, pulos mga drawing naman niya iyon at 'yong iba ay mukhang digital art na pinrint niya.

Dahil na rin siguro sa aking kuryosidad ay nilapitan ang mga iyon.

Nagulat pa ako nang meroon doong painting ng rooftop hangout namin na nakalagay sa canvas sa gayong hindi naman siya sanay sa pagpipinta. Sa mga lapis, markers at stylus lang talaga ang gamay niya, hirap na hirap siya dati sa pagpipinta.

Ngunit kahit na gano'n iyon ay nagawa pa rin niya iyong maganda, kuhang kuha.

Sa bandang lamesa naman niya ay meroon doong family picture nila, at sa kabilang dulo noon ay ang sketch niya sa'kin. Mukhang bago lang iyon dahil halata namang pumayat ako roon kaysa sa dati niyang gawa. Ginawa lang niya iyon gamit ang lapis, puno ng shadings at detalyadong mga linya.

I can't help but smile, hindi pa roon natatapos ang aking pagkamangha. May isang libro na nakapag agaw pansin sa akin. Familiar iyon, hinding hindi ko ito makakalimutan.

Binuksan ko iyon, kaunting natawa na lang ako nang makita ang laman. It was our old coloring book.

Kung may free time o kaya katatapos pa lang namin mag study ni Elie ay kinukulayan namin ito gamit ang colored gel pens at pencil namin. Hanggang sa pagkulay na lang yata ang maitutulong ko sa mga drawing.

Makapal iyong coloring book puno ng mga abstract na drawing. Nakalahati na namin iyon noong college at nagulat naman ako nang makitang kung saan namin iyon huling nakulayan ay hanggang doon na lang iyon, ni hindi pa nga tapos 'yong isang pahina.

"Hmm, ginising mo sana ako." Halos mapatalon ako nang biglang magsalita si Elie sa aking tabi, I want to curse because I'm hearing his bedroom voice right now.

"Mahimbing ang tulog mo." Napahikab pa siya at napatingin sa aking hawak hawak.

"Gusto mo ipagpatuloy natin 'yan?"

"Why do you still have this?"

"Why wouldn't I? Hindi natin natapos."

"Bakit hindi mo tapusin?"

Love in SyncTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon