Kabanata 14
Elie calling. . .
Agad akong napabangon nang makita iyon sa aking phone. Balak ko sanang umidlip muna dahil mamaya pang alas tres iyong practice namin ngunit nabulabog ako nito.
"Gel!" Nailayo ko ang phone nang marinig siya.
"Ano?"
"Buksan mo ang pinto."
"Huh?" Naguguluhang lumapit naman ako sa pinto ng bahay, napasilip pa ako sa bintana bago iyon buksan.
Napatingin ako sa orasan at nakita kong ala una pa lang.
"Anong ginagawa mo rito? Ang aga aga, Elie, tapos ka na ba sa trabaho mo? Kumain ka na ba?"
"Nakaligo ka na ba?" pagbabalewala niya sa mga tanong ko at mabilis na pumasok sa bahay.
Napamaang naman ako nang pasukin niya ang aking kwarto at agad na lumapit sa aking cabinet para pumili ng damit.
"Ba't ka nagmamadali?" tanong ko pa sa kanya, ngunit hindi naman niya ako binibigyang pansin, "Elie!" sigaw ko na ngunit wala lang sa kanya. "Eliezer!"
"Nakipagbasag-ulo si Alanzo, puta susunduin ko, lagot 'yon sa'kin." Ramdam ko ang galit sa kanyang boses, kitang kita rin iyon sa kanyang mukha na animo'y ilang sandali ay magsisisigaw na siya ngunit hindi niya iyon ginawa.
"Bakit kasama pa ako?" maingat kong tanong, takot na baka mapagbuntungan niya ng galit.
"Hindi na kita masusundo mamayang alas tres, sama na lang tayo," malamig na aniya.
"Ayos na ako, Elie. Puntahan mo na si Alanzo."
"Hindi ako papayag, Gel. Maligo ka na," seryoso niyang wika at binigay na sa'kin ang twalya saka lumabas sa aking kwarto.
Hindi ko alam kung bakit aligaga akong sumunod at binilisan ang pagligo. Nang makatapos ay naabutan ko siyang inaayos ang mga gamit ko sa string bag, parang bigla akong nahiya at plano nang bumalik na lang ulit sa banyo at hintayin siyang makaalis dahil nakatapis lang ako.
Nang makita niya ako ay agad siyang umiwas ng tingin at binitiwan ang bag ko bago umalis. Mabilis kong nilapitan ang pinto at ni-lock iyon.
Binilisan ko na lang ang pagkilos at naabutan ko namang nakaupo si Elie sa sofa.
Pinagmasdan niya ang kabuohan ko. Wala man lang nakikitaang emosyon sa kanyang mukha, kung iisipin ay nakatatakot siya ngayon ngunit ilang beses ko na rin siyang nakitang ganito kaya wala na iyon sa akin.
"Tara na," malamig niyang sabi at walang sabi sabing lumabas ng bahay.
Napabuntong hininga na lang ako bago sumunod.
"Asan ba si Alanzo?" tanong ko nang meron man lang kami pag-usapan. Kanina pa siyang walang imik simula no'ng umalis kami sa bahay.
"Hindi ko alam sa gago na 'yan."
"Edi saan tayo pupunta?"
"Sa room niya."
Tumango na lang ako sa kanyang sinabi, pansin ko naman na papunta kami sa Architecture building sa campus na ito, maga-archi pala siya, hindi ko na iyon nalaman.
"Clyde, asan si Alanzo?" tanong ni Elie sa nakita naming lalaki malapit sa isang kubo. Base sa kanyang uniform ay archi student din siya, magkaklase siguro sila ni Alanzo.
"Nasa clinic, lods. Masyadong nayari ni Oscar."
Walang sabi sabing hinila naman ako ni Elie papunta sa clinic, ramdam ko na naman ang kanyang galit, mas dumagdag iyon, nakapanggugulat pa nga at hindi masyadong mahigpit ang hawak niya sa'kin.
BINABASA MO ANG
Love in Sync
RomanceGeliana, the Doña of folk dance and social dances of Eastview, has to fight for her life while keeping it a secret, in order to protect the people around her. ============================================================================== Geliana Ivy...