Kabanata 9

57 5 44
                                    

Kabanata 9

How does one find hope when all that surrounds them are a mix of uncertainty and discouragement?

Hope is a bittersweet word for me. When there's hope there's that fear of being disappointed in the end, and when there is none, you'll feel numb and have no sense of direction in life. But even with fear, having hope can still mean something.

"Sinabihan ko naman kita, Geliana pero tumuloy ka pa rin!"

"Kung hindi lang ako tinawagan ni Tita na tignan ka baka napano ka na. Wala pa namang kaalam alam si Elie sa kondisyon mo, Gel."

Halos magsabayan silang masapo ang kanilang noo. Napuno ang kwarto ng mga bulyawan nila pagkagising ko. Pinagmasdan ko ang swero na nakakagbit sa'kin at sinundan iyon hanggang sa makita ang isang bag ng dextrose na nakasabit sa metal stand.

Napabuntong hininga ako at tumungo na lang. Nawalan lang naman ako ng malay, is this necessary o ganoon na lang ba talaga kahina ang katawan ko.

"Sinabi niyo ba sa kanya?" nakatulalang ani ko.

Mabilis nilang naitikom ang kanilang bibig at nagkatinginan sa isa't isa.

"Hindi, wala kaming sinabi. Ang alam lang niya ay na over-fatigued ka," sagot ni Arci.

"Umuwi na tayo." Bumangon na ako at inalis ang ang nakapaibabaw na kumot.

"Hindi ka pa pinapayagan ng doktor."

"Gising naman na ako, Ma. Pwede na siguro ako umuwi."

Buntong hininga lang ang nakuha ko sa kanila.

"Tawagin niyo na 'yong doktor, gusto ko nang umuwi," utos ko sa kanila. Nagkatinginan sila ni Mama bago isa sa kanila ang gumalaw. Naiwan tuloy ako kay Arci. "Wala ka bang shooting?"

"Meron, iniwan ko na muna iyon. Hindi naman sa lahat ng scene ay naroon ako," malumanay na sabi ni Arci at tumabi sa akin.

"Anong sabi ni Elie?"

"Hindi ko na matandaan, Gel. Hindi ko naman siya pinansin. Pakialam ko ba sa kanya."

Humalukipkip siya at napangiwi na lang. Umangat ang dulo ng aking labi at umayos ng upo.

Napalingon kami sa pinto nang may kumatok.

"'Yong doktor na yata 'yan."

Napatikhim ako at napahawak sa aking leeg. Tuyong tuyo ang lalamunan ko. Inabot ko 'yong water bottle sa katabi kong lamesa at agad 'yon ininom.

"Ayos ka na ba, Gel."

Muntik ko nang maibuga ang aking iniinom nang marinig ang boses ni Elie.

"Tch, bakit ka pa kasi pumunta rito?" inis na tanong ni Arci.

Nakita ko pang may dala-dala si Elie ng mga prutas. Hindi naman ako rito tatagal, mukhang pinaghandaan na niya ang isang buwan na pananatili ko rito.

"Binibisita si Gel."

"Hindi niya kailangan ng bisita. Uuwi naman lang kami mamaya," nakangiwing ani Arci at naupo na lang sa maliit na sofa na narito.

"Wala ka bang sariling bahay, Arci? Parati ka na lang nakiuuwi sa bahay nila Gel."

"Tigil tigilan mo nga ako, Eliezer. Pagmumukha mo pa lang naiinis na ako, mas lalo naman kung marinig ko kung ano-ano ang lumalabas sa bunganga mo."

Tumawa lang si Elie at binalingan na ako. Nawala ang kanyang ngisi nang makita ang swero ko. I heaved a sigh and averted my gaze.

"Kumusta, Gel?"

Love in SyncTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon