Kabanata 12
Nilamon na naman ang isip ko ng mga negatibong salita. Tila ba may bumubulong sa'kin na gawin ang isang bagay na taliwas naman sa gusto ko. Binalot na naman ako ng lungkot na halos hindi na sa'kin mawalay.
Ngunit ngayon nakikita ko na lang ang sarili ko na napapangiti dahil sa lalaking kaharap ko ngayon at nagsisimula na namang ipakita ang mga kalokohan niya.
"Pagbutihin niyo ang pag-aaral niyo! Baka mamaya niyan nakikita ko na kayo sa lansangan," ani Elie.
Nakaupo lang ako sa ibabaw ng lamesa yakap yakap ang aking mga binti habang pinagmamasdan lang silang mag-usap. Maaga kaming natapos sa pagpractice at sinimulan na nila ang kani-kanilang chika.
"Grabe naman kayo Don Elie."
"Magtatapos kami, 'no!"
"Naglalakad na nakasuot ng uniform niyo sa trabaho dahil parati kayong late! Hindi niyo kasi ako pinatapos."
Nagsitawa naman ang mga college students. Napailing lang ako.
"Sige na, 'di ba may mga klase pa kayo? Baka ma-late na naman kayo."
"Atat, Don Elie? May date ba kayo ni Donya Gel?" tanong nong isa.
Napalingon sa'kin si Elie at kaunting napangiti. Tinagilid ko lang ang aking ulo.
"May iba na kasi kaming tinuturuan, ayaw na namin sa inyo," biro ni Elie. Napaawang ang aking bibig at palihim na lang na ngumiti.
Tuloy pa pala kami roon.
"Ayy, pati ba naman kayo inayawan kami?" ani no'ng bakla, nagawa pang sumimangot.
"Hugotera ka, girl?" biro naman ni Elie. "Joke lang, extra racket pa namin ni Gel."
"Good luck po, Don Elie! Bye po Donya Geliana!" paalam nila sa'min.
Hindi ako gumalaw sa pwesto ko habang hinihintay si Elie na matapos sa pagligpit. Sa buong araw ay limitado lang kami kung makapag-usap, hindi ko alam kung bakit. Hindi rin ako nilalapitan ni Elie para kausapin, I can't help but think na may problema kami.
Baka ako ang problema. I turned him down. I always tell myself na itigil na kung ano man ang nararamdaman ko kay Elie dahil parehas kaming masasaktan, ngunit ito ako ngayon na gustong magpapansin sa kanya.
"Magtuturo tayo ngayon sa dance club?" matamlay kong tanong. Matagal bago siya humarap sa'kin.
"Ayaw mo ba? Extra kita mo na rin 'yon Gel." Pinatong niya ang pareho niyang palad sa lamesang kinauupuan ko.
"Paano trabaho mo?"
"Libre ako kapag hapon. Saka mukhang gusto mo naman magturo, nagawa mo pang tanungin si Nate."
"Elie," nadidismaya kong pagtawag ko sa kanya.
"Sorry. Ayaw mo ba akong magselos?" Ngumising aso siya habang tinitigan ako, hinihintay ang aking magiging sagot.
"Wala namang dapat pagselosan, bakit ka magseselos?" Umiwas ako ng tanong. Inalis ko ang kanyang kamay na nakabakod sa'kin para makababa na sa lamesa.
Naramdaman ko na lang na kinuha niya ang palapulsuhan ko at pinaharap muli sa kanya.
"Hindi mo sinagot ang tanong ko, Gel."
Umiling iling lang ako sa kanya saka binawi ang aking kamay. "Pumunta na lang tayo kay Mamsh, uwian na yata nila." Kinuha ko na lang ang aking bag at lumabas na sa room.
"Ayos ba tayo, Gel?" habol niya sa'kin.
Hindi ko maintindihan kung bakit doon pa lang sa tanong niya ay nasasaktan na naman ako.
BINABASA MO ANG
Love in Sync
RomanceGeliana, the Doña of folk dance and social dances of Eastview, has to fight for her life while keeping it a secret, in order to protect the people around her. ============================================================================== Geliana Ivy...