Kabanata 13

55 4 79
                                    

Kabanata 13

"Sasamahan na lang kita sa bawat chemo mo."

"Hindi naman kailangan, wala naman akong trabaho ngayon, kulong na naman ako nito sa bahay." Mabigat akong bumuntong hininga.

"May shooting ako ngayon, gusto mong sumama?" anyaya pa niya, hindi makapaniwalang lumingon ako sa kanya.

"Hinimatay na nga ako no'ng isa, ngayon ay papapuntahin mo 'ko sa shooting mo?"

"Wow, pero kapag si Elie, go ka lang?" she mocked me.

"Ewan ko sa'yo, Arci." Napailing na lang ako at hinilig ang aking ulo sa bintana ng kanyang kotse.

"Musta na pala ang trabaho niyo? Hindi ka naman nahihirapan?"

"Hindi naman masyado, hindi naman ako hinahayaan ni Elie mapagod."

"Balita ko nagtuturo na kayo sa dating high school natin."

"Oo, pumayag na rin si Elie roon. Buti na lang at hindi nakaaabala sa trabaho niya."

"Alam mo puros ka na lang, Elie, Elie, Elie. Bukambibig mo na naman siya Gel nagseselos na ako."

"Psh, selos mo mukha mo andyan ang manager mo, 'yon ang pagtuunan mo ng pansin."

"Pati ba naman ikaw?" Nanlaki pa ang kanyang mga mata at maarteng napahawak sa kanyang dibdib, "Magkaibigan lang kami ni Ryan, okay? Saka, my God! He's my manager!" Napangiwi siya, tila imposible ang mga sinasabi ko.

Tahimik na lang akong tumawa. Buti na lang at na-rescheduled ang aking chemotherapy, ngayon na lang ako pupunta sa hospital, ngayong wala akong trabaho.

"Good morning, Doc!" masiglang bati ni Arci nang makarating kami.

"Good morning, sa inyong dalawa."

Abala si Arci sa kanyang phone habang isinasagawa ang aking chemo, busy yata ang schedule niya ngunit nagawa niya akong samahan sa pagpunta rito sa hospital.

"Ayos ka lang ba sa bahay niyo mag-isa?"

"Parang hindi pa ako sanay Arci?" natatawang tanong ko.

"Tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka. Utusan ko na lang manager ko."

"Bakit hindi mo siya tinatawag sa pangalan? Magkaibigan naman kayo hindi ba?" tukso ko pa sa kanya. Umiling lang siya at in-unlock na ang kanyang kotse nang nasa tapat na kami ng bahay.

"Ryan then," labag sa loob niyang wika, natawa na lang muli ako at lumabas na sa kanyang kotse. Bigla na namang umikot ang aking paningin kaya napapikit akong mariin.

Nang mamulat ako ay nakatayo na sa aking harapan si Arci, pinagmamasdan lang ako.

"Dito na lang ako kakain," pagbibigay alam niya na may malamig na tono.

"Huwag na, male-late ka sa shooting mo."

"Mamaya pa naman 'yon. Samahan na muna kita, bumili naman lang tayo ng pagkain, dito ko na lang kakainin 'yong akin," wika pa niya habang nilalabas ang mga take out namin kanina sa drive thru.

Hinanda ko na lang ang lamesa para kumain na agad kami. Alam kong busy si Arci hindi ko na siya patatagalin pa rito.

Pansin ko naman ang pagmamadali niya habang kumakain, halos hindi na nga niya iyon nguyain. Nakatapos na siya ngunit hindi ko pa nakakalahati ang nasa plato ko.

"Pwede ka nang umalis, Arci. Huwag mo na akong hintayin," pilit ko pa sa kanya.

Tumingin siya sa kanyang relo at napabuntong hininga na lang.

Love in SyncTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon