Kabanata 24
Ilang beses akong napagulong gulong sa kama at paulit ulit nang tinitingnan ang oras para lang abangan ang bukas.
Napabaling ako kay Mama na natutulog sa sofa at yakap yakap ang sarili. Wala pa siyang maayos na tulog dahil sa pagbabantay sa'kin at kailangan pang maging maaga dahil sa trabaho.
Sinubukan kong bumangon nang mag-isa. Kumapit ako sa malapit na lamesa at pinagulong ang metal stand na may hawak ng aking dextrose.
Kinumutan ko si Mama at nagdesisyong mag lakad lakad man lang. Tatlong araw na akong hindi naglalakad. Kung babangon man ay hanggang banyo lang ako at balik ulit sa kama. Halos mamanhid na nga ang aking binti dahil hindi masyado nagagalaw.
Kakaunting tao lang ang nadaraanan ko. Karamihan naman no'n ay mga nurse at doctor. Kahit madaling araw pa lang ay napakaliwanag na rito sa loob.
Dinala ako ng mga paa ko sa chapel ng hospital, napangisi na lang ako.
Naupo ako sa dulo at tahimik na pinagmasdan ang maliit na altar.
Hindi naman ako relihiyosong tao pero sa Kanya talaga tayo lalapit kapag nawawalan na tayo ng pag-asa.
Hindi ko maintindihan kung bakit ko ba 'to naramdaman. Kung bakit ako nagkaroon ng sakit. Wala naman akong bisyo, maayos naman ang pangangatawan ko, masusustansya naman ang kinakain kong pagkain. Kaya bakit?
Noon inakala ko. Pumili Ka lang ba ng random na tao para bigyan ng sakit na katulad ng sa akin, 'yong wala nang takas, bibilangin mo na lang talaga ang nalalabing oras mo. Akala ko ganoon 'yon dahil napakadaya naman.
Hindi ko maintindihan kung binigay Mo sa'kin 'tong sakit dahil akala Mong makakayanan ko o binigay ito sa'kin para lang pahirapan ako. Ang sama sama ko na siguro sa past life ko para mabigyan ng ganitong buhay ngayon.
Alam ko naman na may plano Ka. Sino ba naman ako para tumaliwas doon. Natanggap ko na dati, e, pero ayun, biglang dumating si Elie. Mas lalo lang akong nahirapan sa pagtanggap.
Sana bigyan Niyo ko ng lakas para sa pagsubok na 'to. Alam ko naman na wala na akong magagawa kung gusto Mo na talaga akong mawala sa mundong ito, pero sana hindi masyadong malungkot ang mga taong maiiwan ko, lalo na si Mama.
Parang hindi ko na kayang umalis kung maiiwan ko silang malungkot. I wish they'd be happy; I wish they wouldn't miss me that much. I don't want the memory of me be a burden to them.
Napatungo na lang ako sa mga pinagsasbi ko sa aking isip. Mas lalo akong nalulungkot sa kaisipang maiiwan kong mag-isa ang mga magulang ko.
"Miss Peralta." Napaangat ako ng tingin sa tumawag sa apelyido ko. Nakita ko na lang ang doktor na umaasikaso sa'kin. Nginitian ko lang siya at binalik ang tingin sa altar.
"Masaya ba kayo sa trabaho niyo?" I asked out of the blue. Tuluyan na siyang naupo sa tabi ko.
"Oo naman, nakatutulong ako sa mga tao. If I have the influence, hihikayatin ko ang mga tao na mag doktor para matulungan ang lahat nang may sakit."
"Paano kung hindi niyo matulungan? What if you don't have that kind of power?"
"Doctors try their utmost best to help out a patient. We can make them better pero may limitasyon din ang kakayahan namin. We can't bring back the dead or remove a name from Thanatos' list."
Pareho kaming napangisi sa huli niyang sinabi, Thanatos – god of death. "Mahilig po ba kayo roon?"
Natawa siya, "Greek mythology? Oo. Pinangalan ko nga ang anak ko after a god."
BINABASA MO ANG
Love in Sync
RomanceGeliana, the Doña of folk dance and social dances of Eastview, has to fight for her life while keeping it a secret, in order to protect the people around her. ============================================================================== Geliana Ivy...