Kabanata 3
I am fatigued every single day. Hindi naman ako ganito dati, but I guess this is because of the side effects of the meds I'm taking.
Dahil sa pamumutla ko kahapon ay nag-alala na naman si Mama, pinapahinga niya ako buong araw. Sa kawalan ng magawa ay natulog na lang ako maghapon, umaasang mawala ang pagod na nararamdaman.
Nagising na lang ako nang may marinig akong pamilyar na boses sa labas ng aking kwarto.
"Gusto ko lang po mag-sorry sa inyo, Tita, nasaktan ko 'yong anak niyo."
Napabuntong hininga ako nang marinig iyon. Napapikit ako nang mariin at pilit na kinukumbinsi ang sarili na tapos na kami. It's been two years, I should be over it by now. Hindi na dapat ako nanghihinayang.
Kayanin mo, Geliana.
"Ayos naman siguro kayo ni Gel, 'di ba?"
"Siguro po. Susunduin ko nga po siya, may meeting po kasi kami ngayon sa bahay nila Nate, hindi po kasi niya sinasagot 'yong mga tawag niya."
"Huh? Anong gagawin niyo kila Nate?" rinig ko pang tanong ni Mama, halatang naguguluhan siya sa pinagsasabi ni Elie.
"Tungkol po siguro sa pagtuturo namin."
"Wala namang sinasabi sa'kin si Gel."
"Inalok kasi kami, Ma, nong girlfriend ni Nate, dance instructors daw, pumayag na ako," pagsingit ko sa kanilang usapan nang lumabas na ako sa kwarto.
"Ano?! Ba't ngayon ko lang 'yan nalaman?"
"Ma." Makahulugan ko siyang tiningnan para matigil na sa pag-aalala.
Kinuha ko ang aking phone at ganon na lang karami ang miss calls ni Nate at isang unknown number, si Eunice siguro.
"Gel, pinapatawag tayo ni Eunice," ani Elie.
"Hindi pwede ngayon si Gel. Masama ang pakiramdam niya," ani Mama.
"May sakit ka?" Parang mas lalo akong nanghina dahil sa nahihimigan kong pag-aalala niya para sa'kin.
Napalunok ako. "W-Wala, masama lang talaga ang pakiramdam ko." It's still the truth. "Importante ba 'yon?"
"May pag-uusapan siguro."
"Pwedeng bukas na lang, hindi ko kaya ngayon, Elie," matamlay kong sabi at napakusot sa aking mata. "Sasabihan ko na lang sina Nate."
Lumayo ako sa kanila and started dialing Nate's number.
"Gel, nakatulog ka ba? Kanina ka pa namin tinatawagan," bungad sa'kin ni Nate.
"Oo, e. Masama ang pakiramdam ko. Ano ba 'yon?"
"Kasama mo ba si Elie ngayon?" pagbabalewa niya sa tanong ko. Napatingin ako kay Elie na ngayo'y tinutulungan si Mama sa pagluto ng meryenda.
Hindi ko na lang namalayan na napatitig na pala ako. Kahit dati pa ay ganyan na siya, close na close siya sa mga magulang ko, at close naman ako sa pamilya nila. Kahit na hiwalay na kami ay hindi pa rin iyon nagbabago.
"Andito siya sa bahay."
"Video call na lang tayo kung hindi kayo makapupunta sa bahay, kasama ko naman si Eunice."
"Sige, magmemeryenda muna kami." Iyon lang at nilapitan ko na sila sa kusina.
Nakita ko namang nagluto si Mama ng champorado.
"Gusto mo bang kumain, Gel?" tanong sa'kin ni Mama, inakalang wala akong ganang kumain. Minsan pinipilit ko na lang na kumain para mapanatag sila, ngunit hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong nagkaroon ng gana ngayon.
BINABASA MO ANG
Love in Sync
RomanceGeliana, the Doña of folk dance and social dances of Eastview, has to fight for her life while keeping it a secret, in order to protect the people around her. ============================================================================== Geliana Ivy...