Kabanata 6

67 6 72
                                    

Kabanata 6

I stopped typing nang makaramdam ako ng kakaiba. Napatuptop ako sa aking bibig at mabilis na tinungo ang banyo at napaduwal.

Hindi ako natigil at parang naisuka ko na ang bituka ko. Sumasabay rin ang pagsakit ng aking tyan. Nang matapos ay agad akong napamumog at napabagsak sa sahig ng banyo.

Halos hingalin ako at natulala na lang dahil sa nangyari. Napatakip ako sa aking bibig, tila 'di makapaniwala sa nangyari. The last time I vomit like that was when my cancer has gotten worst.

Bigla akong nanghina, ramdam ko na ang pag-akyat ng takot sa buong katawan ko.

I winced in pain nang hindi na mawala ang sakit ng aking tyan. Mabilis akong tumayo and grabbed my pain killers and just gulped it together with water.

Binagsak ko ang aking sarili sa kama at yumakap na lang ng unan. Nakapanghihina, halos mamilipit na ang aking katawan para lang makahanap ng posisyon para mawala ang sakit.

"Argh!"

Hindi ko mapigilang hindi mapadaing sa sakit. Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng aking luha nang pumasok na naman sa isip ko na wala akong magagawa kundi tiisin na lang ang sakit at hintaying tumalab ang gamot.

Napahagulgol na lang ako sa samo't saring kaisipan na pumapasok sa isip ko.

Please, no.

Hindi ko alam kung ilang beses akong nagdasal na sana hindi ito dahil sa lumala ang sakit ko. Nalabanan ko na 'to, e. Dapat hindi na 'to lumala pa. Sinusunod ko naman lahat ng payo ng doctor, huwag naman sana!

Nang mawala ang sakit ay napatulala na lang ako. Hindi na natigil ang pagtulo ng luha ko. Hindi ko na rin maiwasang mag-isip ng kung ano ano. I started overthinking. I was terrified!

What if my body suddenly fails? Will the people around me be mad dahil hindi ko nagawang sabihin? Malulungkot ba sila dahil nawala ako nang walang paalam? Can I endure the guilt because I'll be leaving them full of sorrow?

Being alone with my unending hopeless thoughts is draining. Nababahala ako na baka mabaliw ako sa pag-iisip kong ganito. But what can I do? Hindi ko mapigilan.

Napatalon ako nang biglang tumunog ang phone.

"Gusto mong pagkain?" Agad na kumunot ang aking noo.

"Huh?"

"Pagbuksan mo naman ako ng pinto."

Lumabasa ako ng kwarto at sumilip sa bintana. Nanlaki na lang ang mata ko nang makitang nakatayo na si Nate sa labas. Inayos ko ang sarili ko bago siya pagbuksan.

"Anong ginagawa mo rito?"

"I was in the area. Alam ko namang mag-isa ka lang dito kaya dinalhan na kita ng meryenda."

Hindi na ako nakipagtalo sa kanya at tumabi na lang para makapasok siya.

"Hindi mo kasama si Eunice?"

"She had an errand. Katatapos lang naming magturo."

Nilapag niya 'yong take out sa coffee table. Tumabi naman ako sa kanya at kumuha ng fries.

"Hindi mo man lang sinabi sa'kin na may girlfriend ka na," halos pasumbat kong sabi habang hinahalo 'yong gravy at ketchup.

"I didn't know that you care about my personal life," biro pa niya sabay ngisi. "Ikaw? Kumusta kayo ni Elie?"

Napatitig siya sa'kin at binigyan ako ng maliit na ngiti. I looked away, alam ko namang namumugto ang mga mata ko dahil sa kanina pa akong umiiyak. Hindi na lang siguro niya tinanong.

Love in SyncTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon