Kabanata 7
Kanina ko pa pinaglalaruan ang mga daliri ko, iyon lang ang tanging libangan ko rito sa waiting area ng hospital. Ilang beses ko nang hinanda ang sarili ko sa kung ano man ang masasabi ng doktor ko pero alam kong panghihinaan pa rin ako ng loob.
"Miss Peralta," tawag sa'kin no'ng nurse. Hawak na niya 'yong lab results ko.
Nagkatinginan kami ni Mama bago tumuloy sa office ng doktor ko. Sa mukha pa lang ni Doc ay may nabubuo nang kaisipan sa utak ko.
I gulped while listening to the doctor who is obviously stalling.
"The tumor has gotten bigger than your last visit, and there's a possibility that there will be a local spread outside of the pancreas kung hindi natin ma-manage. . ."
Napalunok ako nang marinig ko 'yon. Iyon naman ang inaasahan ko, hinanda ko na ang sarili ko para pakinggan ang gano'ng resulta pero hindi ko maiwasang manlumo.
Even if they say that they can manage the spread, alam kong hindi na 'to mawawala. Rarami at rarami pa rin ito hanggang sa patayin ako.
"By this point, we should start your chemotherapies again, Geliana. Your oral medicines will be less effective on this," dagdag pa nong doktor.
Chemo na naman, gastos na naman. Ano pa ba 'tong ginagawa ko? I should stop fighting it kung hindi naman magpapatalo ang kalaban.
"Pwedeng huwag na muna?"
"Geliana," pagsuway sa'kin ni Mama.
"May trabaho na kasi ako ngayon at ayaw ko namang manghina tuwing magtuturo ako ng sayaw."
"Geliana mas mabuti nang maaga mong gawin 'to para maagapan pa," pangungumbinsi pa sa'kin ni Mama. Halatang paiyak na siya, pinipigilan niya lang.
"Maagapan? Kahit anong gawin natin, Ma, hindi na 'to mawawala, paunti nang paunti pero hindi mawawala." My voice cracked at pilit ko na lang pinipigilan ang luha ko.
"Geliana naman, napag-usapan na natin 'to."
Napatikhim 'yong doktor bago sumingit sa usapan namin. "I understand that you're losing hope, Geliana. There's always an option na sumali sa mga support groups na meron kami rito sa mga cancer patients para makatulong sa kanila at para na ring hindi nila maisip na nag-iisa sila."
"Ayaw ko," matigas kong sabi.
Ayaw ko sa lahat ay iyong hindi nila akong tinatratong normal. Kung sasali pa ako roon parang mas pinamukha nila na ibang iba talaga ako. Hindi pa naman ako mababaliw dahil sa kondisyon ko.
"Anak."
"Ayaw ko, Ma. Magsasama-sama kami ng iba pang mga pasyente tapos unti-unti naming makikita ang pagkamatay ng isa't isa?"
"Geliana!" tumahimik na lang ako at napailing.
Nang makauwi ay kinulong ko muli ang sarili ko sa kwarto at nilabas ang lahat ng sama ng loob.
Sinasabi ko na nga ba. Kahit sabihin nilang lumiit na lang 'yong tumor ay hindi pa rin ako nagpakampante. Alam ko naman kahit anong gawin namin ay babalik at babalik pa rin ang cancer ko.
I'll eventually leave, I'll leave them all behind. Handa na ako roon, e. Tinanggap ko na na mamamatay akong maaga, but then, biglang pumasok sa isip ko si Elie. And now I'm scared.
"Para rin naman kasi 'yon sa'yo. So anong plano mo? Titiisin na lang ang sakit? Ikaw lang naman ang mahihirapan niyan, Gel," pagpapaintindi sa'kin ni Arci.
She dropped everything she was doing para maramayan ako, siguro tinawagan siya ni Mama para kumbinsihin akong magpa-chemo.
"What's the point? Nahihirapan din naman ako sa chemo, tapos hindi naman no'n mauubos ang cancer ko. Napapagod lang akong lumaban, Arci," walang ganang ani ko.
BINABASA MO ANG
Love in Sync
RomanceGeliana, the Doña of folk dance and social dances of Eastview, has to fight for her life while keeping it a secret, in order to protect the people around her. ============================================================================== Geliana Ivy...