Kabanata 4

82 5 41
                                    

Kabanata 4

Ang pinakamahirap para sa'kin ay ang sabihin sa kanila kung ano talaga ang nararamdaman ko, kung ano talaga ang nangyayari sa'kin. Dahil sa totoo lang, hindi ko rin alam. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa'kin, ni hindi ko nga alam kung bakit ako nagkaganito.

Nawasak lang ang mundo ko nang sabihin ng doktor ang kalagayan ko.

When you think of cancer, you'll immediately think you'll die. Nang malaman ko na meron akong cancer sa pancreas ko ay 'yon ang una kong naisip. Parang lahat ng binuo kong plano ay unti-unting nawasak, hindi ko alam kung ano ang iisipin kundi mamamatay ako nang maaga. Nakatatakot.

Even if Mama said that I was lucky, iyon pa rin ang naiisip ko. My first diagnosis was the cancer has already spread outside of my pancreas. Pero dahil pinilit pilit ako noon ni Mama magpachemo ay nalabanan pa 'yon.

I still have cancer, but they said it could be managed since nasa pancreas ko na lang ulit siya. But even so, I can't help but think that this will eventually kill me.

When Elie discovered my meds, hindi ko alam kung paano iyon ipapaliwanag. Buti na lang hindi na nagtanong pa. Umuwi na lang siya nang sabihin kong magpapahinga na ako.

"Gel, andito si Elie, may practice raw kayo," pagbibigay alam sa'kin ni Mama.

Sht, ni hindi pa nga ako nakapag-aayos.

"Gel, tara." Kumatok siya sa nakabukas kong pinto. Naka jogger lang siya at puting shirt.

"Sandali lang nga. Hindi pa ako naliligo," inis na ani ko.

Alam kong may practice kami ngayon dahil pinag-usapan na namin 'yon kahapon. Hindi ko naman inakalang susunduin niya ako rito sa bahay!

"Maligo ka na, ako na bahala sa gamit mo," wika niya at walang pasabing tuluyan nang pumasok sa kwarto ko at dumiretso sa aking cabinet.

Hindi pa rin yata iyon nawawala sa kanya. Kahit dati pa ay ginagawa na niya iyon, parati niya akong sinusundo para lang sabay na kami makapunta sa studio kung saan kami nagpa-practice para sa dance sports namin o kaya naman ay gusto lang namin lumabas.

"Huwag na!" matigas kong sabi sabay hila sa kanya palayo sa aking cabinet. "Maghintay ka na lang sa sala," wika ko at padabog na pumasok sa banyo.

Minadali ko lang ang pagligo ngunit nang makalabas ako ay mabilis na uminit ang aking pisngi nang makitang may nakahandang mga damit sa aking kama, maayos pa iyong nakatupi.

"Elie, naman," bulong ko sa aking sarili.

Napabuntong hininga ako at sinuot na lang ang leggings na hinanda niya. Binalik ko naman 'yong puting crop top sa cabinet at kumuha na lang ng black na tank top at jacket.

Halos mapatalon ako nang biglang kumatok nang malakas si Elie.

"Ano ba 'yan, Elie! Atat na atat?!" inis na tanong ko at binigyan agad siya ng masamang tingin nang pinagbuksan ko siya ng pinto.

"Tapos ka na pala, hehe." Inirapan ko lang siya at bumalik sa ginagawa ko. "'Di ka nag crop top."

"Malamig," palusot ko.

"Dalhin mo heels mo."

Napakunot na lang ang noo ko nang tumungo na siya sa shoe rack ko at namili na ng heels.

"Bakit? Pwede rin naman sumayaw nang naka sneakers," wika ko habang sinusuot ang sapatos.

"Try mo lang, Gel. Baka hindi ka na sanay," biro niya at lumapit na sa'kin dala dala ang napili niyang heels.

Love in SyncTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon