Kabanata 29

49 2 0
                                    

Kabanata 29

Ang bibigat ng paghinga ko at napapapikit na lang nang mariin nang maramdamang halos dinudurog na ang aking tyan. Nakakuyom na rin ang aking mga palad at pilit na iniinda ang matinding sakit na umaabot hanggang sa likod.

"Anak, tubig."

"Gel, hinga nang malalim."

"Geliana, dalhin ka na namin sa ospital."

Sunod sunod ang pag-iling ko, hirap ako sa pagsalita dahil inaagaw ng sakit ang aking pansin.

Hindi binibitiwan ni Elie ang aking kamay, mukhang mas mahigpit pa ang hawak ko kaysa kanya.

"Ma, 'di ko kaya!" halos nagmamakaawa na ang aking boses.

Parang awa niyo na, tanggalin niyo 'tong sakit na nararamdaman ko!

Napansin ko pang halos magsabay sila Papa at Elie na mapahilamos sa mukha, hindi na nila alam kung anong gagawin, at alam ko namang kahit ilang reklamo pa ang gawin ko ay walang makatutulong sa'kin.

"Mawawala na 'yan, Gel. Uminom ka naman na ng gamot," pagpapanatag pa sa'kin ni Elie. Umiling ulit ako at humilig sa kanyang dibdib, umiiyak pa rin na nakapaghihirap sa aking paghinga.

"Pumayag ka na, anak. Bumalik ka na sa ospital."

"A-Ayaw ko po."

"Geliana naman!" Halos manginig ako nang biglang tumaas ang boses ni Papa, tuloy tuloy pa rin ang pagtulo ng aking mga luha habang hinahaplos ni Elie ang aking likod. "Nag-aalala na kami sa'yo, nahihirapan ka na ayaw mo pa rin magpa-ospital? Dahil ba 'yon sa studio na 'yon? Geliana, mas importante ang kalusugan mo."

"Ayaw kong makulong sa ospital! Iyon na lang po ang ibigay niyo sa'kin, please. Hindi ko hahayaang hindi ako roon makapunta. Ayaw ko, Pa. Malulungkot lang ako sa ospital," nauutal pa ako habang sinasabi iyon dahil sa malaking nakabara sa aking lalamunan kasama pa no'n ang mga hikbi ko.

Bumuga siya ng hangin at napailing na lang. "Kausapin niyo nga 'yan," aniya pa at lumabas na ng kwarto ko.

"Ayaw ko, Ma," nagmamakaawa pa rin ang aking boses.

"Isipin mo sana ang sarili mo, Geliana. Isipin mo rin ang mga taong gusto kang tulungan pero paano kung ang sarili mo ay ayaw mong tulungan."

"Iyon na lang po, please. Gusto kong tumuloy bukas," hikbi ko pa.

"Masakit pa ba?" Umiling lang ako, naroon pa rin ang kirot ngunit pawala na. "Sasama ako sa inyo bukas. Matulog na kayong dalawa." Hinalikan niya ako sa noo saka tumayo. Pansin ko pa ang awa at pag-aalala sa kanyang mata bago siya tuluyang makaalis.

Hinagod hagod pa ni Elie ang aking likod at napapikit na lang ako nang maramdamang hinalikan niya ang aking ulo. "Tama sina Tito, Gel."

"Elie, please huwag mo naman akong pagbawalan sa pagpunta bukas."

"Hindi kita pinagbabawalan, pinag-iingat ko lang naman kita. Kung ano ang para sa ikabubuti mo, 'yon ang piliin mo."

"Elie." Napalayo ako sa kanya at tila ba hindi makapaniwala sa kanyang sinabi.

Tinitigan lang niya ako diretso sa mga mata, mukhang naninigurado kung gusto ko nga ba talagang pumunta. Buo na ang desisyon ko at walang makapagpapabago noon. Kung kinakailangan ay magmakaawa ako sa kanilang payagan ako.

"Tinatakot mo 'ko, Gel." Tumatagos ang mga titig niya sa'kin, he's face is emotionless yet it screams emotions. Namumungay na ang kanyang mata at umamo ang mukha.

Kinuha niya ang aking kamay at bumaba na ng tingin.

"Ayaw ko namang pigilan ka sa kung anong gusto mo, pero natatakot ako sa kung ano man ang mangyari sa'yo."

Love in SyncTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon