Kabanata 11
"Ano po kailangan nila?"
"Kuya Ced, 'di niyo na kami natatandaan?" maligayang tanong ni Elie sa school guard dito sa dati naming high school.
"Oh! Paano ko makakalimutan 'yong lalaking parati kong nahuhuli na nago-over the bakod kahit may klase pa." Natawa kaming lahat dahil sa sagot niya.
Kilala niya ako dahil na rin sa anak ako ng isang teacher dito. Kilala rin si Elie at Preston dahil ang kukulit nila no'ng high school, parating nahuhuli sa mga kalokohan.
"Nasa English department ang Mama mo Geliana, lahat ng English teachers narito ngayon, nagpaplano sa upcoming event."
"Siguro spelling bee na naman 'yan," biro pa ni Elie.
"Siguro."
"Mabilis lang po kami, Kuya Ced," nakangiting wika ko bago tumuloy.
"Wala man lang pinagbago, 'no," komento ni Elie at iginala ang tingin sa kabuohan ng school.
"Meron naman, meroon nang bagong gym para sa senior high school. Na-renovate na rin 'yong library at gym ng junior high," wika ko.
Ngayon na lang ako nakapunta. Nalalaman ko lang 'yong mga pinapagawa rito dahil kay Mama.
"Ang daya naman. Bakit no'ng narito tayo hindi man lang 'yon inayos," reklamo ni Elie.
"Tiniis pa natin magpractice na may tumutulong tubig ulan dahil sa butas butas na bubong," natatawang ani ko.
"Tamang ikot ikot lang para maiwasan 'yon." Natawa kaming pareho dahil totoo naman 'yon.
Malas ang dance club dati, madalas pa naman umulan noon. Pero kahit papaano ay patuloy pa rin dagil gustong gusto naming sumayaw. Saka it's part of the experience na rin siguro, tinatawanan na lang namin sa tuwing nababalikan.
Dumiretso kami sa English department kung nasaan si Mama pati si Mamsh. Maliit lang iyon, kasing laki lang ng isang regular classroom. Naka-on 'yong TV at mukhang nanonood ang mga teachers ng teleserye habang may ginagawang tarpapel.
"Good afternoon po," pagbati ko.
Ako na ang unang pumasok dahil ako naman ang kilala rito. Agad naman silang napatingin sa'min at nilapitan ako ni Mama.
"Ang laki na ni Geliana, oh."
"Kumusta ka, beh?"
"Bakit ka pumunta rito nang mag-isa? Baka mapano ka na naman," nag-aalalang sabi sa'kin ni Mama. Sinuri pa niya ako na animo'y naghahanap ng sugat sa katawan.
"Oo nga, beh. Parati ka dapat nag-iingat, jusko."
"Ayos naman ang mga treatments mo 'di ba?"
"P-Po?" Nanlaki ang mga mata ko. Alam ba nila ang kondisyon ko? "Ma?"
Napabuntong hininga si Mama bago ako sagutin, "Sinasabi ko sa kanila, Gel. Umaalis ako ng trabaho para bantayan ka, kaya sinabi ko ang rason." Tumango na lang ako.
"Gel!!" Narinig kong tili ni Mamsh, natawa na lang ako nang lumapit siya sa'min. "Kasama mo ba si Eliezer?"
"Opo, nasa labas siya."
"Hiramin ko muna siya, Lucile, ako naman ang nagpapunta sa kanila rito." Natawa lang si Mama sa sinabi ni Mamsh at hinayaan na kami.
Lumabas kaming pareho at tumambay sa maliit na kubo sa labas ng kanilang department kung nasaan na si Elie.
"Kumusta?"
"Ayos lang naman, ang dami palang pinagbago ng school," sagot ni Elie.
"Saan kayo galing? Nag date siguro kayo, 'no?" tukso pa niya sa'min.
BINABASA MO ANG
Love in Sync
RomanceGeliana, the Doña of folk dance and social dances of Eastview, has to fight for her life while keeping it a secret, in order to protect the people around her. ============================================================================== Geliana Ivy...