Kabanata 15
"Tatawag din yata ang Papa mo, mangungumusta. Saka, Gel kung magsi-sleep over kayo kila Elie dalhin mo ang gamot mo, magsabi ka kay Elie kung may nararamdaman ka."
Kung ano ano pa ang payo ni Mama sa'kin habang nagiimpake siya para sa seminar nila. Ngayon na lang siya aalis, parati na lang kasi siyang tumatanggi dahil parati niya akong binabantayan.
"Ma, payag talaga kayo?"
"May tiwala naman ako sa batang iyon, kahit na. . . " she trailed off, bumuga na lang siya ng malalim na hininga bago magpatuloy, "Mabait na bata si Elie, may tiwala ka rin naman sa kanya hindi ba?"
"Meron naman, Ma."
"Wala nang problema iyon. Mag-iingat ka rito anak."
Bukas na umaga na siya aalis, maiiwan naman ako rito at hintayin na lang ang oras na lumipas para sa practice ulit namin.
"Ngayon ikaw naman ang umalok na mag shopping," biro pa ni Arci sa'kin.
"Birthday ni Alanzo bukas, bibilhan ko lang ng regalo."
"Invited ba ako riyan? Bilhan ko na rin."
"Magpapasama nga sana ako sa'yo."
"Sure, why not. But I have to leave early dahil may mga gagawin pa ako kinabukasan. Hatid na lang kita sa bahay niyo pag-uwi."
Napakagat ako sa aking labi at nagdalawang isip pang sabihin sa kanya, baka pagalitan niya ako.
Tumikhim ako bago magsalita, "Doon na muna ako matutulog."
"Oka– Ano?!" Napanganga siya at halos manlisik na ang mga mata. Naiwan din sa ere ang kanyang kamay nang balingan niya ako.
"Narinig mo 'ko, Arci. Doon ako matutulog."
"Bakit? Alam ba 'to ni Tita?"
"Siya pa nga ang unang um-oo sa aming dalawa. Okay lang daw sa kanya, saka pinagbigyan ko na rin si Alanzo."
"Ang sabihin mo, gusto mo lang talaga!" asik pa niya sa'kin. Napanguso na lang ako at binalingan ang mga nakadisplay. "Kung wala lang talaga akong aasikasuhin, babantayan talaga kita."
"Parang bata naman ako noon."
"Sasabihin ko sanang hindi mo kilala si Elie, but you obviously do," maarte niyang bulong sa sarili.
Hindi ko naman maisip kung anong pwedeng ibigay kay Alanzo, matagal tagal na rin nang magkausap kami tungkol sa mga gusto niya. Hindi ko alam kung nagbago na ba iyon o hindi.
"Pilian mo rin nga ako, nakahihiya naman na pupunta ako roon na walang dalang regalo."
"Kailan ka pa nahiya?" asar ko sa kanya.
"Nahihihya rin ako. Porket artista walang hiya na agad?" depensa naman niya.
"Hindi ko nga alam kung ano ang ibibigay ko roon."
"Ilang taon na ba si Alanzo, how long it has been," maarteng hinawakan ni Arci ang kanyang noo at napatingin sa itaas.
"Twenty-one yata." I felt bad for forgetting his age, hindi ko na talaga matandaan, ang sigurado lang ako ay four years ang agwat namin. Mas nauna lang siyang mag birthday.
"Second year college? Hmm, anong course nga niya ulit?"
"Architecture."
"Wow, good for him. Ano bang kailangan ng mga archi?" tanong niya sa kanyang sarili at naghanap na rin ng mabibili.
Lumapit ako sa mga school supplies at doon na lang naghanap. May nakita naman akong mga ruler set sa dulo. Kumpleto na iyon may kasama pang mechanical pencil.
BINABASA MO ANG
Love in Sync
RomanceGeliana, the Doña of folk dance and social dances of Eastview, has to fight for her life while keeping it a secret, in order to protect the people around her. ============================================================================== Geliana Ivy...