Chapter 11

68 12 23
                                    

Chapter 11

THE UNSHAKABLE ADVERSARY'S RETURN.

Patuloy parin sila Jake, at Bakhur sa pagtungo sa bahay ni Dodong sa pag babakasakaling mabawi pa ang kontrata ni Levi, at ng Vanguardia.

Bigla silang nakaramdam ng isang prisensya na nakapagpatigil sa kanila kaya naman ay tumigil muna silang dalawa. Alam ni Jake kung sino ito at hindi nila matatakasan ito.

"Saan niyo dadalhin yan?" tanong ni Dyone sabay bigla siyang nagpakita sa harap nila Jake, at Bakhur.

"Sa puso mo," ani Bakhur, at hindi alintana ang panganib ng taong nasa harap niya.

"Gago ka Bakhur umayos ka kung gusto mo pang mabuhay," untag ni Jake.

"Kailangan ko pa bang ulitin ang tanong ko, o pipilitin ko kayong sumagot?" Si Dyone na nakahalukipkip pa ito, at seryosong nakatingin ito sa kanila.

"Dadalhin namin siya sa Exsor. Kung saan may posibilidad na mabawi pa ang kontrata ni Levy sa Vanguardia," ani Jake. "Kay Dodong ba?" Matiim na nakatitig si Dyone kay Jake.

"Ganun na nga," sagot ni Jake habang sinalubong ang mga mata ng Kapitana na nasa harapan niya.

"Oh sige lumayas na kayo dito. Baka mapatay ko pa kayo, " wika ni Dyone matapos ay nawala na ito.

"Kala ko mapapalaban tayo sa kaniya," wika ni Bakhur, at unting-unti nawawala ang lakas ng kabog ng dibdib niya.

"Malabo yun Bakhur, nasa panig natin si Kapitana Palmera," buong kumpiyansang sagot ni Jake.

**

Nakaupo si Dyone, at nagkakape. Habang nag sisigarilyo ay nakatingin ito sa kalayuan kung saan sila nag pang abot ni Jake. Hawak-hawak nito ang isang maliit na scroll, at nilalaro nito sa kanyang daliri.

"Kapitana Palmera pinapatawag na po kayo ni Commander-in-chief Ceds," wika ng kaniyang Vice-captain na si Edison Royston.

"Salamat Vice-captain." Sabay na tumayo si Dyone, at pinatay na nito ang sigarilyo sa pamamagitan ng pag pitpit nito sa ashtray.

Yumuko naman si Edison, at sumunod na sa kanyang Kapitana na nakatalikod.

Habang naglalakad naman sila Dyone, at Edison ay nakapako naman ang titig ni Edison sa napakagandang hubog ng katawan, at malaking balakang ni Dyone. "Napaka swerte ko dahil napunta ako sa 11th district," wika ni Edison sa kanyang sarili.

"Sana ay ma-recover na sana si 3rd seat Neo. Gusto ko siya makilala ng personal," pagpapatuloy ni Edison sa kanyang sinasabi sa isipan.

Napabalikwas si Edison ng napatingin bigla si Dyone, agad naman niya inayos ang kanyang sarili para hindi siya mapaghalataan. "Vice-captain hintayin mo nalang ako dito," sabi ni Dyone, at pinisil nito ang pisngi ni Edison.

Ilang minuto namang nag hihintay si Edison, ay nakita niya sila Zam Kasa ng 9th District, at James Ameda ng 10th district na matatalik niyang kaibigan, at kapwa niya Bise kapitan.

"Oh, Vice-captain Royston, naninilip ka na naman diyan," ani Zam na iniinis lamang si Edison.

"Hinihintay ko si Kapitana Palmera," wika, at depensa ni Edison.

"Tara manilip muna tayo ng mga bagong trainees." Pandedemonyo ni Zam, habang si James ay nangungulangot lang sa tabi.

Habang naglalakad ang tatlong hindot na Bise-kapitan ay hindi mapigilan ni Edison na magsalita ukol sa pagtangay kay Levi.

Newearth: Vanguardia Series: Malayan Quest ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon