Chapter 16
'I am deeply Amazed By You.'(Ako Ay Nararahuyo)
Habang nasa loob si Jake ng kanyang kwarto, at nakaupo ay nakadungaw siya sa bintana. Tanaw-tanaw niya ang asul na ulap na nagbabalik sa kanya sa nakaraan.
Habang lumalalim ang kanyang pagbalik sa nakaraan ay nakaramdam siya ng kirot sa kanyang dibdib. Naalala niya ang unang pagkatalo niya sa pinakamalakas na nilalang na nabubuhay hanggang ngayon.
Iwinaglit niya muna ang kanyang pagbabalik tanaw, at sinulyapan ang litrato nilang lima; 2 babae-isa si Dyone doon- tapos ay 3 silang lalaki. At si Cyndi Ceds na dating Kapitana ng 11th District, at ngayon ay Commander-in-chief na ng Malaya.
Nakangiti siyang tinitignan ang larawan na iyon, naalala niya noong unang pinagtagpo sila ni Cyndi-na naging kanyang pangalawang Ina-matapos siyang kupkupin nito.
Biktima si Jake ng Digmaan noong hindi pa nakikiisa ang isa sa mga lugar ng 5th District ng Malaya. Kaya sa murang edad ay napasama siya sa mga rebelde noon na hawak ng Hand Of Scaar'g, at inatasan siya bilang official ng mga ito.
Si Jake ang nanguna noong mga panahon na iyon para depensahan ang mga lugar na nasakop nila sa 5th District. Hanggang sa murang Edad ay naging Captain-Commander siya ng Topheles-na ngayon ay kilala bilang Jar'ghal- na nasa ilalim mg Hand Of Scaar'g.
Ang Topheles ay isa sa mga faction ng Hand Of Scaar'g na natapos noong natalo si Jake kay Cyndi, at nadakip pagkatapos.
Isang mabigat na buntong hininga ang kanyang pinakawalan. Ilang daang taon narin pala ang nakakaraan nang makalaban niya ang tinatawag na "Maninilo ng mga Vanguardia."
Binansagan si Cyndi ng pangalan na iyan, dahil marami ng mga Vanguardia na pinaluhod, at kinitil niya. Mga Vanguardia na naligaw ng landas, at si Cyndi ang namuno sa pagpapadakip kay Condrad na nagpasimuno ng Project Vanguardia.
Ang totoo ay ang Vanguardia ng mga mensahera/mensahero ay mano-manong iniinfuse sa mga mapipili, at tagumpay na host-na Vanguardia din ang tawag dito. Mahigpit na itong pinagbabawal matapos ng isang malagim na trahedya.
"Kailangan na natin kumilos Boss Jake," wika ni Bakuhr na nakasandal sa hamba ng pinto.
"Ay siya ngang tunay, dapat makausap natin si Yeurwan." Matapos ay tumayo si Jake, at kinuha ang kanyang Jacket.
"Yung praning na lider ng New People Liberation Army?" tanong ni Bakhur sa hindi makapaniwalang tono.
Binigyan lang siya ng isang tango ni Jake."Pero may dadalawin muna tayo sa Vastros( Red City)," dagdag ni Jake bago ito lagpasan si Bakhur.
**
Ilang oras na ang lumipas na lulan sila Levi, Mysharona, at Princess ng isang makabagong Anti Assault Vehicle para sa kanilang transportasyon para makapunta sa Palasyo ng mga Amonta.Hindi mapigilan ni Levi na tumingin sa dalawang Kapitana na nasa harap niya. Nahagip naman nito ang mga papaya nito, at ang makasalanang cake, ngunit ng makarating siya sa mukha ng mga ito ay napabawi siya ng tingin.
"Parang mas mukha pa silang Rebelde," wika ni Levi sa sarili niya, at sumilay ulit sa dalawang Kapitana.
Pinigilan niya na hindi sumulyap sa dalawang Kapitana, na di niya alam ay nakatitig parin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Newearth: Vanguardia Series: Malayan Quest ( On Going )
FantasyMatapos ng napakaraming digmaan sa mundo ay halos hindi na makilala ang Earth dahil sa mga nangyari dito. Ilang taon din nanahimik, at bumabawi ang Earth sa pinsala na dulot ng huling digmaan, ngunit may isang spacial wave ang tumama dito. Matapos...