Chapter 10
Once More Unto The Breach
Ang larawan po na ito ay hindi sa akin. Credit po sa artist nito.
Nang minulat ni Levi ang kanyang mata ay pinaikot nito ang tingin niya sa buong paligid para suriin ito. Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyari sa kanya; bakit nandito siya sa lugar na ito,bakit napakadilim ng lugar na ito, at nasaan ang mga kasama niya--- nahuli ba siya ng mga kalaban? --bakit nagiisa siya sa isang madilim na lugar.
"Hoy bata." Boses ng lalaki na pamilyar sa kanya.
"Nasaan ako?" Tanong ni Levi habang nakahiga parin siya.
"Tumayo ka diyan, napakahina mo talagang hindot ka." Sagot nito na hindi pinansin ang kanyang taong.
Naalala niyang bigla ang nangyari kung paano siya nawalan ng malay.
"Teka nasaan ba ako bossing?" Muling tanong ni Levi.
"Tumayo ka, at sundan mo ang boses ko." Angil nito kay Levi.
Matapos marinig iyon ni Levi ay hindi parin ito tumayo. Nakahiga parin--ang hindot-- at nakatulala nalang.
"Hoy bata bumangon ka na!" Wika muli ng boses na may galit na tono.
"Oo ito na." Walang ganang sagot ni Levi matapos ay tumayo ito, at naglakad na ito papunta sa boses na umaalingaw-ngaw parin ngayon.
Habang naglalakad si Levi ay biglang nagliliwanag ang bawat paligid, at animo'y mga screen ng TV ang nakikita niya sa paligid.
Napa ismid siya nang makita niya ang kanyang batang sarili na naninilip sa kanyang ka eskwela. " Gagong bata ito ah."
Ang bawat nadadaanan niya ay nagpapakita ng mga nakaraan niya. At doon ay nakita niya muli ang pangyayari na ayaw na niyang maalala. Ang dahilan bakit gusto niya mag higanti sa taong iyon.
"Ano batang Hindot! Naalala mo na ang dahilan mo kung bakit mo gusto ng kapangyarihan." Bulong ng boses kay Levi.
Patuloy na naglalakad si Levi, at sa bawat paglakad niya ay mas lalong nagsisilakbo ang sistema niya sa paghihiganti niya. Paulit ulit niyang naririnig, at naalala ang mga nangyari noon, 3 taon na ang nakalipas.
"Levi buksan mo ang puso mo, at tanggapin mo kung ano ang kapalaran mo. " Bulong muli nito.
"Bukod sa paghihiganti mayroon kang tungkulin na dapat gampanan. " Isang babae naman ang narinig niya na nagsalita.
Wala sa wisyong naglalakad si Levi na parang wala na itong sariling isip dahil wala siyang ibang naririnig, at nakikita kundi ang mga nakaraan na ayaw na niyang maalala.
Napahinto siya ng kusa nang mapatapat ito sa harap ng isang malaking libro na may kakaibang letra na hindi siya pamilyar. "Levi idikit mo ang daliri mo, at bibigyan ka namin ng karagdagang kapangyarihan. " Boses ng lalaki, at babae sa isipan niya.
BINABASA MO ANG
Newearth: Vanguardia Series: Malayan Quest ( On Going )
FantasyMatapos ng napakaraming digmaan sa mundo ay halos hindi na makilala ang Earth dahil sa mga nangyari dito. Ilang taon din nanahimik, at bumabawi ang Earth sa pinsala na dulot ng huling digmaan, ngunit may isang spacial wave ang tumama dito. Matapos...