Chapter 23
He is Hamour Gugliotta
Nakatulala pa rin si Levi kahit na nasa harapan na niya si Hamour, hindi siya makapaniwala sa bilis nito. Pero mabuti at kahit papaano ay may natitira pa ring reflexes sa sistema niya kaya nasalag niya ang sipa nito. Matapos niya salagin ito ay tumilapon siya, ramdam niya ang lakas ng sipa na iyon dahil sa layo ng tinalsikan niya.
Naramdaman niya yung sakit ng braso niya na pinansalag niya sa sipa ni Hamour, pakiramdam niya ay hindi siya tatagal sa taong ito dahil sa bilis nito at lakas. Kailangan niya umisip ng paraan kailangan tawagin na niya ang kanyang Perks.
Akmang tatawagin na niya ang Perks niya, ngunit naalala niya yung sinabi ni Jake na tinaggal na nito ng tuluyan ang Kontrata ni Levi. Para si Levi na mismo ang dumiskubre dito, at makilala niya na rin kung sino ito.
"Sira ulo na ito mukhang wala ata itong balak na buhayin ako nito," wika ni Levi sa kanyang sarili, habang tumatayo ito ng dahan-dahan.
Hindi pa ganap na nakakatayo si Levi ay nasa harap na agad niya si Hamour at isang sipa sa tiyan at itinapon nito si Levi sa Ere. "Law Of Shapening: 5 String Pulse Killer," saad ni Hamour.
Matapos niyang iusal iyon ay may 5 enerhiyang naghugis sinulid ang tumagos sa sa limang parte ng kata ni Levi; 2 sa pulsuhan, dalawa sa binti, at isa sa kaliwang dibdib derekta sa puso. Matapos ay nawalan ng pakiramdam si Levi, at unting-unti bumabagal ang tibok ng kanyang puso, at napasuka siya ng dugo, at para siyang ibong nabaril na bumagsak sa lupa.
"Buhay pa ako," aniya sa kanyang sarili at pinipilit na tumayo.
Pero habang tumatayo siya at nanalalaban ay pakiramdam niya ay hinihigop ang kanyang enerhiya, at mas lalong bumabagal ang tibok ng kanyang puso, at sumisikip ang lusutan ng hangin kaya nahihrapan na siyang huminga.
"Law of Shapening: The Burden Of 5 Corrupted Kings," usal muli ni Hamour.
Ang limang enerhiyang naghugis sinulid kanina ay naging isang apoy, at dahil dito ay napasigaw ng malakas si Levi dahil parang sinusunog ang buong katawan nito maski ang kaluluha nito. Pakiramdam pa niya ay lalong bumibilis ang pagkawala ng enerhiya niya, at nanghihina na siya.
"Sa ngalan ng 5 Hari na nasilaw sa kapangyarihan, tanggapin niyo ang aking alay. 5 Kahariang nagkaisa para sirain ang mundo. Humihiling ako na isarado niyo ang pinto ng buhay at muling pagkabuhay ng alay na ito," usal ni Hamour at may hand seal ito na ginagawa.
Matapos may isang sealing/death diagram sa ilalim na lumitaw sa lupang kinatatayuan ni Levi, at may mga isometrical na mga hugis itim na pader ang nagbagsakan galing sa langit , at nakagawa ito ng apat na pader kung saan ay nakapaligid kay Levi na animo'y isang kwartong walang takip.
"Law Of Shapening: The Incandescent Funeral March Of The 5 Corrupted Kings," matapos isigaw ni Homour iyon ay inangat niya ang kanyang kamay.
Mula sa langit may isang itim na isometrical cylinder ang lumabas galing sa kalangitan, na mabagal na bumababa para ganap na takpan ang spasyo ng apat na pader na nakapalibot kay Levi.
"Teka Jubar itigil mo iyan, pag ganap na naisarado si Levi sa loob, mabubura siya sa mundo," wika ni Ri.
"Limang minuto lang kayang ihold ang takip ng seal na iyan, dapat sa loob ng limang minuto ay mailabas na ni Levi ang Perks niya," sagot ni Jubar.
Habang nagaagaw buhay si Levi, ay nakikita niya ang isometrical cylinder na dahan-dahang papunta sa kanya, at nagdidilm na ang kanyang paningin.
"Dito na ba talaga ako mamamatay?" tanong ni Levi sa kanyang sarili.
BINABASA MO ANG
Newearth: Vanguardia Series: Malayan Quest ( On Going )
FantasyMatapos ng napakaraming digmaan sa mundo ay halos hindi na makilala ang Earth dahil sa mga nangyari dito. Ilang taon din nanahimik, at bumabawi ang Earth sa pinsala na dulot ng huling digmaan, ngunit may isang spacial wave ang tumama dito. Matapos...